Chapter 1

19.1K 372 98
                                    


"Kute! Gising na! Male-late na tayo!" Binuksan ko ang kaliwang mata ko at sinara ulit, then 'yung kanan ulit. 

"Kute!" I groaned at napabangon na.

Nakita kong nakabusangot ang kapatid ko. Napangiti naman ako dahil sa ka cuteness ng kapatid ko.

Napabaling ako sa orasan sa kwarto ko. It's just 6:00 AM.

"Ang aga aga pa Shu." Reklamo ko pero umiling lang siya.

"No! It's not maaga, ilang minuto lang dadaanan na tayo ni Ate Xeah."

It's not maaga? Natawa ako sa pagtangkang pag e-english ng kapatid ko.

"Why don't you cook for us Kute? Para makapaghanda na tayo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Shu can speak in English already?!

"Ilang taon ka na ulit?" Tanong ko. Nag cross arms lang si Shu. "I'm six already, also grade one student." Sagot ni Shu.

Kinurot ko nalang ang pisngi niya dahil sobrang cute niya talaga. Matalino pa! Mukhang may pinagmanahan.

"Kute nemen eh." Nag pa-pout na sabi niya.

"Oo na. What do you like for breakfast?" Masigla kong tanong sa kanya.

"Syempre, hotdog and eggs!" Siglang sagot nito. Napatawa nalang ako. He motioned me to pick him up so I did.

"Alam mo, bumibigat ka na Shu. Big boy ka na pala." Komento ko, nag punta kami sa kusina at ibinaba na siya.

"Nakaligo ka na?" I asked.

"Yep! Ikaw nalang po ang hindi." Napapailing nalang ako. Nagtataka din ako kasi mukhang mas matured mag-isip si Shu kesa sa akin.

"Mabilis akong maligo no." Sagot ko nalang. Nagsimula na akong mag handa ng almusal namin, pati na rin ang baon ni Shu. Pinagtimpla ko na rin ng gatas si Shu at kape naman sa'kin.
"Here you go." Sabay lapag ng ulam namin sa mesa. Kumuha na din ako eating utensils at magana kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain, dali dali na akong naligo at nagbihis ng uniform.
Pagkatapos kong nag bihis, tapos na din kumain si Shu. Sabay na kaming nag tooth brush at binihisan ko na din siya ng uniform niya.

Buti nalang at nakahanda na ang mga gamit niya kagabi pa. Pinabaunan ko siya ng extra shirt at face towel, baka sakaling pagpawisan siya kakalaro mamaya.

Nung handa na kaming dalawa. May bumisina sa labas. Sakto ang dating ni Xeah.

Ni-lock ko ang bahay at pumunta agad kami ni Shu sa kotse ni Xeah.

"Good morning Shu! Good morning Rahi." Masiglang bati ni Xeah sa aming dalawa. Humalik pa si Shu sa pisngi ni Xeah.

"Naks! Ang sweet talaga ng baby boy namin." Sabi ni Xeah.

"Hindi na po ako baby Ate Xeah. Sabi ni Kute big boy na ako." Sagot ni Shu.

"Ha? Bakit daw?"

"Bumibigat na eh." Sabat ko.

"Ah basta, kahit maging binata ka na Shu. Baby boy ka pa din naming apat." Nakangiting sabi ni Xeah sa kapatid ko.

"Oo na po." Nakangiti din si Shu. Nag simula nang mag drive si Xeah papunta sa school ni Shu. Ihahatid na muna namin siya.

"Rahi, tuloy ka ba mamaya?" Tanong ni Xeah sa akin.

"Oo eh, bagong raket na naman."

"Eh bakit hindi mo na lang tanggapin ang alok ni Yoj sa'yo? Hindi ka pa mahihirapan."

Rahi LascivusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon