PROLOGUE

4.7K 113 0
                                    

I LIVED A CHEATING LIFE. BUT I AM HAPPY! 😁

Ako si Gale Kathyrine Hendrickson-Arsua. Yeah I know! I have an annoying surname. No need to speak your mind out loud!

Ako'y labing-limang taong gulang. Hindi na ako nag-aaral dahil wala naman akong pangarap sa buhay. Hindi man ito tanggap ng iba, pero iyon ang totoo. Ako, si lolo't lola at ang aking nabaliw na nanay ko na lang ang magkakasama. Dating mayaman at may-kaya sa buhay sila nanay. Nakatira sa mansyon at maraming kompanyang hinahawakan si lolo. Pero nagbago ang buhay namin ng mga 360* nung pinanganak ako ni nanay. Hindi man ako sinisisi nila lola sa nangyari. Pero alam kong sa akin nag-umpisa lahat ng gulo. Ang dating mansyon na tinitirhan namin noon ay siyang mansyon kung saan ako ngayon nagta-trabaho bilang isang katulong. Nanny ng mga aso ng bagong may-ari ng dating bahay namin.

WOOOF!
ARF!
Arf!
arf!

Kahulan ng mga alaga kong aso na pagmamay-ari ngayon ng amo ko. Bale, merong 10 breed ng pitbull si sir. 20 maliliit na aso na iba-iba ang breed. 10 dalmatian at 2 kasing tangkad ng bahay namin na aso. Hindi ko alam ang pangalan nun, pero ang laki nila! And i named them Nori at Nora. Ako ang kinuhang yaya ng mga asong to dahil sa akin lang sila nakikinig. Paano nangyari yun? Well! For starters, isa akong beast tamer. Sabi ni lolo, namana ko raw yun sa side nya. Pero wala naman siyang kompanyang para sa mga hayop. Kaya nakakapagtaka.

Binuksan ko ang malaking gate papasok sa bakuran ng mga alaga ko. Sadyang pinatayo ito ni Sir para daw hindi pakalat-kalat kung saan ang kanyang mga pests. Ay! Pets pala! Hehehe.

"GOOD MORNING NA MAGANDA SA INYONG LAHAT!" Pa-unang bati ko sa kanila pagkasara ng gate. Agad nagtakbuhan papunta sa akin silang lahat. "NORI! NORA! NOOOO!!!" Habang dinamba ako ng yakap nina Nori at Nora. Akala naman ng dalawang to ang liit nila! Argh! Ang sakit ng likod ko!

Parating ganito ang morning routine ko. At sa mag-hapon, ako ang hardinera sa malawak na bakuran ng mansyon. Parating ganito ang routine ko anim na araw sa isang linggo. Sabado ng gabi ay siyang tapos ng trabaho ko at diretsong uwi sa simpleng bahay namin. Isang beses sa isang linggo lang ako nakaka-uwi sa amin kaya lakad-takbo ang gawa ko para maka-uwi agad.

"LA! LO!" Tawag pansin ko sa dalawang matanda na nangunguha ng makakain sa loob ng kanilang bakuran.

"Kat-kat! Nandyan ka na pala!" Lumapit sa akin si lola pagkapasok ko sa amin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kumusta naman ang pag-uwi mo dito sa atin? Maayos ba?" Nag-aalalang tanong ni lolo pagka-lapit sa akin.

"Maayos naman po, lolo tay! Imagine? 8:45 pm nila ako pina-out. Tapos, saktong 9pm ako naka-uwi!" Pagmamayabang kong kwento sa kanila.

"Mabuti naman at nakahabol ka sa last trip dito sa may sa atin Kat-kat." Patanong ni lola.

"La? Tinakbo ko lang ang pa-uwi dito para buo ko pa rin na mabibigay itong sahod ko para sa buong linggo." Kinuha ko ang 10 libo sa may bulsa ng aking jogging pants, sabay abot kay lola na ngayo'y biglang natahimik sa pag-kwento ko.

"Kathyrine. Alam mo namang hindi pwede iyang ginagawa mo, di ba?" Pangangaral sa akin ni lolo.

"Wag kang mag-alala sa akin lolo tay. Nag-iingat naman po ako. Mabuti na ring haunted house yung mga bahay malapit dito sa atin dahil walang nakakakita sa mga ginagawa ko. Atsaka, ang mahal ng 200 pesos pamasahe pa-uwi lolo tay! Plus dalawang oras na biyahe!" Pangangatwiran ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon