CHAPTER 8

255 22 1
                                    

THE CONSPIRACIES AND THE WEAK

shiehitsYu Tales

SOMEONES' POV

"Boss, nagawa na po namin yung pinapagawa nyo nung isang araw."

Agad akong napalingon sa mga tao ko na ngayon ay kasama kong nanonood sa pag-cremate ng tatlong bangkay.

"Kumusta naman? Wala bang nakakita sa inyo?" Tanong ko.

"Wala po, Boss! Maayos na maayos ang trabaho namin! Kaya nga po marami kaming patron!" Pagmamalaki nito.

"Asahan nyo ang bonus nyo sa akin mamayang gabi." Sabi ko matapos humithit sa sigarilyong hawak ko.

"AYOS! Napakagalante mo talaga, Boss!"

"Maraming salamat, Boss!"

"Salamat, Bossing!"

Ilan lamang yan sa mga naririnig kong pasasalamat galing sa mga tao ko. Humithit ulit ako ng sigarilyo para pakalmahin ang sarili. Nararamdaman ko kasing parang may mali.

Napadako ang tingin ko sa baba ng isa sa mga crematory box na ginagamit namin ngayon. At doon, napansin ko ang isang kwintas na may saphire stone sa gitna.

Tumayo ako at nilapitan ito. Pansin kong malaki ang halaga nito. Tsk, tsk, tsk. Mukhang mayaman ang pinatumba sa akin ngayon ni Drako. Iba nga naman ang nagagawa ng inggit. Hay, naku.

Biglang namingi ang aking tenga. Nakaramdam ako ng kung anong bagay na parang gustong sumabog sa loob ko. Masyadong masakit. Napaluhod ako dahil sa tindi ng sakit sa aking tenga. Parang may buhay na kung ano ito. Na gustong maglakad sa buong katawan ko! Ano ito?!

"Sinusumpa ko! Kayong lahat na may kinalaman sa mga paghihirap namin. Lahat kayo ay makakatikim ng matinding paghihinagpis!"


May kung anong boses akong narinig na nang-galing kung saan. Bigla na lamang itong lumabas sa aking isipan. At may nakita akong isang imahe ng babae. Sakal nito ang isa sa limang patron namin.

"Mararanasan niyo ng mas triple ang mga kawalang-hiyaang ginawa nyo sa amin!"


Biglang nagpantig ang ulo ko sa aking narinig. May kung anong mainit na bagay ang nabubuo sa may batok ko.

"At hindi matatapos ang sumpang to sa inyo! Lahat kayo na may alam! Lahat ng tao na may katulad ng dugong nananalaytay sa inyong katawan. Mararanasan rin nila ang mga paghihirap nyo!"

"ALDO! TULUNGAN NIYO KO!" Utos ko sa isa sa mga tao ko.

"A-AAAH!"

"AAAAH!"

"ARAY!"

"ARGH!"

Pinihit ko ang ulo sa direksyon ng mga tauhan ko. Ngayon ko lang napansin na hindi lamang ako ang nakakaranas ng sakit na ito! Pati na rin sila! Anong ibig sabihin nito?! Akala ko ba ay hindi tatalaab sa amin ang anumang kapangyarihan ng mga taong pinagpapatay namin?!!!

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon