CHAPTER 41

75 3 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.

And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

❤️

A/N:
ADD. VOTE. SHARE.
Gale Reincarnate in Wattpad

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

Chapter 41

[GEMINI PART II]


Nang makaalis ako sa clinic ni Nina. Ay agad akong pumunta sa bahay nina Esme.

Kailangan kong tingnan ang kalagayan ng mga bata. Lalo na't kasama nila ngayon si Kat-Kat.

Ng makarating ako sa tapat ng bahay ay kumatok ako sa pinto.

Ilang sandali pa ay pinagbuksan ako ng pinto ni Berto. Habang buhat nito ang isa sa mga bata.

"La Mayari? Tuloy po kayo."

Tumango ako sa kanya. Bago pumasok sa loob.

"Ito na ba si Cindy?" Tanong ko dahil hindi ko makilala kung sino sa dalawa ang sino.

"Si Celeste po ito, La Mayari."

"Ahh. So 'Selest' pala ang pagbanggit niyo sa pangalan nya." Sabi ko. "Ang akala ko kasi ay Celeste na katulad sa salitang tagalog ang gagayahin ninyong bigkas ng kanyang pangalan."

"Pinili naming mag-asawa ang 'Selest' na bigkas ng Celeste dahil sa salitang banyaga kinuha ang pangalan ng dalawa niya pang kapatid."

Paliwanag ni Berto habang buhat-buhat ang nahihimbing na sanggol.

"At ang iyaking nasa taas ay palagay ko'y si Cindy?"

Tanong ko kahit sigurado naman ako sa kanyang isasagot.

"Tama po kayo, La Mayari."

"Hindi ko maramdaman ang mana ng isa niyo pang anak." Tukoy ko kay Carl. "Nasaan ang bata?" Tanong ko.

"Nagpaalam sa akin si Carl na susunduin niya raw ang kaniyang mga kaibigan sa may Hilagang bahagi ng Ele-ōre Forest."

"Kailangan ko nga pala kayong maka-usap patungkol sa mga bata." Sabi ko ng maalala ang sadya ko dito. "Maghihintay na lang ako dito sa baba. Nakikita kong kailangan ninyong patulugin ang mga sanggol."

"Maraming salamat, La Mayari."

Sabi nito bago umakyat na sa taas.

Dumiretso ako sa kusina para maghanap ng maiinom na tsaa.

Ngayon ko lang napansin na walang elf ang mag-asawa.

Kakailanganin nila ng mga maglilinis at tutulong sa pag-aalaga. Lalo na at hindi madaling mag-alaga ng dalawang sanggol.

"Ben?"

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon