CHAPTER 11

160 18 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

---

Chapter 11

ALAN'S POV

Ilang linggo na rin ang lumipas ng umpisahan ni Mayari ang pag-eensayo sa mga Meyris. At ilang linggo na ring nakiki-sali si Jasper sa kanila.

"AAH!"

Nakita kong tumilapon ang batang alpha palabas ng arena. Hindi lamang ito isang beses nangyayari sa isang araw. Maraming beses na siyang tumagos sa makapal na pader ng arena. Minabuti kong tanggalin na lamang ito at papalitan ng sliding wall na gawa sa bakal. Masyadong mahal ang maka-ilang ulit kong pagpapa-ayos dito!

Naramdaman kong may isang lobo ang naglalakad palapit sa akin. Halos hindi mo maririnig ang kanyang mga yabag. Magaling! Pero hindi niya naitago ng lubos ang kanyang presenysya.

"Boss Alpha?"

Napatingin ako kay Arnel. Napansin kong sobrang lalim ng ini-isip niya.

"Bakit?"

"Nag-aalala lamang ako sa kalagayan ni Japser. Masyadong malalakas ang mga Meyris para sa kanya."

Tinapik ko ang katabing upuan ko. "Yan ang hindi mo na dapat kailangang alalahanin. Malakas ang batang yun. Maghintay ka pa ng mga ilang buwan, makaka-sabay na siya sa mga Meyris."

"E, Boss Alpha? Hindi ganoon kabilis ang pag-galing ng sugat ng isang kagaya niyang high breed. Alam natin, na kapag nagpatuloy pa ito. Ikamamatay ng katawan niya ang mga sugat na natatamo niya." Nag-aalalang pahiwatig nito.

"Lahat ng bagay ay may solusyon. Wag kang mag-alala." Seryoso kong tiningnan ang aking secretary.

Mukhang napalapit na ang loob nito sa mga bata. Masyadong malaki ang simpatya niya sa mga batang katulad nina Jasper ng dahil sa naging karanasan niya.

"Magtiwala ka lang sa kanila." Tumayo ako at tinapik ang balikat nito. Iniwan ko siyang mag-isa at hinanap ang aking beta.

Kailangan naming bilisan ang pagsasagawa ng plano namin. Masyado ng nagiging pangahas ang mga Mozoids. Mukhang nakahanap na sila ng mga bagong alipin.

"Arnold?" Tawag ko sa kanya gamit ang mind link. "Magpadala ka ng sulat kay Raul. Isali mo na rin ang dalawang tribe sa Hidden Village at Curré Town. Kailangan na natin ang tulong nila"

"Sige, Boss Alpha."

Nakita kong papalapit sa akin si Mayari. Break time na ata nila ngayon.

"Kailangan nating mag-ingat." Seryosong sabi nito. "Hindi pa natin nahuhuli ang traydor sa loob ng Blue Moon Pack."

"Hinahanap na sila ni Jasper. Malaki ang tiwala ko sa batang yun. Makaka-asa kang lilitaw ang mga traydor sa susunod na araw." Sabi ko.

May pagtatakang tiningnan ako ni Mayari. "Gaano tayo nakasisiguro na kayang gawin yun ng bata? Alam mong namatay ang kanyang ama na hindi nahahanap ang ma-ilap na traydor?" Madiing sabi nito.

"Ibahin mo ang bata. Ako ang nagpalaki dun. May basbas pa ng 'Tatlong Elder' ang pagiging Alpha niya sa kanyang murang edad." Depensa ko. "Saka, bakit ba ganun na lamang kababa ang tingin mo sa aming mga lalake?" Takang tanong ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon