shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.
This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
Chapter 27
A Father's Love
"Ka-uuwi mo pa lang. Pero aalis ka na naman." May pagtatampong turan ni Esmeralda sa kanyang asawa.
Natigil sa kanyang pagkain ang lalake ng marinig ang saloobin nito. Ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor. Saka tumayo, para yakapin ang nalulungkot na asawa sa likod.
"Wag ka ng magtampo, Esme." Lambing ni Berto sa asawa. "Mamayang madaling-araw na ang huli kong pag-alis. Pagkatapos nun, uubusin ko ang lahat ng oras sa pamilya natin. Lalo't kailangan nating paghandaan ang nalalapit mong panganganak, limang buwan mula ngayon." Sabi nito habang patuloy na nilalambing ang asawa.
Kinalas ni Esme ang braso ng asawa na nakayakap sa kanyang beywang. Saka hinarap ito para yakapin ng mahigpit.
"Nakakapanibago lang talaga kasi itong buhay na mayroon tayo ngayon." Tiningala nito ang mukha ni Berto saka nagpatuloy. "Hindi pa rin ako sanay sa buhay na ito. At inaalala ko rin ang buhay na kagigisnan ng ating mga anak."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa asawa. Saka pumunta sa lamesang kainan at umupo doon. Sinundan siya ni Berto para alalayan.
"Hindi ko maiwasang mag-alala sa dadanasing buhay ng magiging anak natin." Malungkot itong tumingin kay Berto saka nagpatuloy. "Si Cindy. Ang sabi ni La Haliya, wala tayong magagawa para mapigilan ang kung anuman ang nakatala para sa kanyang buhay." Na-iiyak na turan nito. "Awang-awa ako sa anak natin noon nung nandon pa lamang tayo naninirahan sa gubat. Paano naman ngayon? Na maraming magiging dahilan para sa kanyang paghihinagpis? Ayokong danasin niya ulit iyon, Berto. Hindi ko kakayanin bilang kanyang ina!"
Nahahabag na yumakap si Berto sa asawa. Saka masuyong pinatahan ito.
"Alam mong hindi makakabuti itong pag-iyak mo para sa mga bata. Sensitibo ang ating mga anak sa mga emosyong nararamdaman mo ngayon bilang kanilang ina. Kaya wag na muna nating isipin ang mga bagay na wala pa at hindi pa nangyayari. Ayokong mag-alala ka sa mga bagay na iyon." Pagpapatahan nito sa asawa.
Samantala.
Makikita ang tatlong batang nag-uusap ng masinsinan sa ilalim ng kanilang higaan. Hating-gabi na, pero gising pa rin ang mga ito.
"Mik-Mik? Nailagay mo na ba yung lahat na dadalhin natin mamaya pag-alis?" Tanong ni Kat-Kat sa katabi.
Humarap ito sa kanyang kaliwa kung saan naroon din nakadapa si Mel.
"Ikaw na ang bahalang magpalusot kay La, ha?" Tanong nito.
Bored na humarap sa kanya si Mel bago ito sumagot.
"Bakit ang boring ng gagawin ko? Wala doong excitement! Mas exciting pa nga yung gagawin ninyo ni Mik-Mik, eh." Reklamo nito.
Umingos naman sa kanya ang kausap saka nagbigay ng kanyang rason.
"Mas kapani-paniwala kung maiiwan ka dito. Ikaw kaya ang pinaka-unang hinahanap nila Lolo Tay kapag wala kami ni Mik-Mik." Dahilan ni Kat-Kat. "Saka, kapay na-una kang umalis. Malalaman nila La na may binabalak na naman tayo!" Dagdag nito.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!