CHAPTER 36

90 9 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you.

❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

Chapter 36

...

A Family United

...

Two days before take off

...

PART THREE

...

It has become a big controversy since yesterday, ang ginawa naming paglusob sa high rise building na pagmamay-ari ni Tandang Vilmaz.

No records were found in the CCTV sa ginawa namin ni Butler Sebas-tian sa dalawa. Kaya naiintindihan ko sina Jake na siyang nagpa-iwan para hawakan ang kaso. Kailangang walang ebidensya ang magtuturo sa amin habang tumatakbo ang imbestigasyon.

Mabuti na lang at na-promote na si John sa kanyang posisyon pagka-pulis. At pinalitan ang superintendent ng aming probinsya. Kaya naiwasan naming masangkot sa police follow-up report.

Maraming kumestiyon sa pagkaka-upo niya sa pwesto. At nagpalala pa dito ang hinihinala naming hepe, na siyang backer ng isang malaking kidnapping syndicate sa kabilang bayan.

Sa katunayan, ay nasa kalagitnaan ito ng imbestigasyon. Mas nagpalala pa ang limang on-going na kaso nito sa korte na may kinalaman sa drugs, smuggling at kidnapping. Kaya ito gumagawa ng mga pahayag laban sa pagka-upo ni John bilang superintendent. Dahil gusto lamang nitong ilihis ang atensyon ng media sa kanya. Lalo pa at maling tao ang binangga nila nitong nakaraang buwan.

Pinagtangkaan kasi ng isa sa mga sindikatong binibigyan niya ng proteksyon na kidnapin ang limang mayayaman na dalaga. Na nagkataon pa na may mga nakabantay na mga ex-navy seal na bodyguards. Dahil na rin sa sunud-sunod na napapabalitang kaso ng kidnapan.

Maraming mga nakakita sa ginawa ng sindikatong iyon. At nagkataon pa, na nakipagtulungan ang mga concerned citizens para iligtas ang dalawang bata na nakita nilang nasa loob ng sasakyan.

Maraming kumuha ng video habang sinussubukan ng sindikato na damputin ang limang dalaga. Ang ilan ay natanggalan ng suot-suot nilang bonet panakip sa mukha, dahil sa ginawang pangunguyog ng mga tao.

Mabuti na lang at sabay na nangyayari itong mga kaso na mainit sa media. Kaya hindi nila napagtuunan ng pansin ang ginawa namin kay Tandang Vilmaz.

Kasalukuyang nagpapanggap ang isang butler dito sa Magical Mansion bilang si Tandang Vilmaz. Habang kasalukyang nasa in-quest proceedings ngayon ito.

Habang may tatlong maids naman na siyang umaasikaso ng mga properties ni Tandang Vilmaz para ipangalan ito kay Reyna Mayari. Na-isip nilang gawin ito, bilang paghahanda para sa kinabukasan. Hindi kasi nila kilala ang mga kalaban na siyang umaatake sa kalahi ni Reyna Mayari. Na kasalukuyang biktima ng mga cold cases sa Pilipinas nitong mga nakaraang taon.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon