---
shiehitsYu Tales
This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.
And any toxic opinions are out of the question. Thank you.
❤️
A/N:
ADD. VOTE. SHARE.
Gale Reincarnate in WattpadHappy Reading!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 44
The Truth
MEL's POV
Hindi ko inaasahan na tatawagin ko si Mayi para humingi ng tulong. Masyadong napa-aga ang pagkikita namin ulit. At hindi na ako naalarma ng marinig ang mga babala niya patungkol sa 'traydor' na iyon. Mukhang pati siya ay nakakahalata na rin sa mga kinikilos niya. Kailangan ko ng maghanda sa kung ano ang mga mangyayari sa mga susunod na araw.
Sa paggising ni Kat-Kat ay siya ring pag-ahon ni Arthur mula sa mana pool. Gamit ang orihinal nitong anyo. Lumipad ito sa langit at ibinuka ang kanyang mga pakpak. Tunay ngang napakaganda ng Arthur na tinawag ni Gale. Pinanood ko ang malayang paglipad na ginagawa ni Arthur sa himpapawid. Habang nanonood ako, ay may pumasok na pangitain sa aking balintataw.
...
Matapos kong makita ang pangitain ay natuwa ako. Hindi nga ako nagkamaling pumanig kay Haliya at mamalagi dito sa Ele-ōre Forest.
Makaka-asa ka Haliya. Na gagawin ko ang lahat para hindi kayo matalo. At mahuli nating sabay ang mga kasamaan ng traydor na iyon!
At sa oras na ito. Ay saka ko lang naalala, ang mga gods na kasama kong narito rin sa Ele-ōre Forest. Nakikita kong kakailanganin ko na silang singilin.
Napangisi na lang ako ng ma-isip ang mga plano ko para sa mga susunod na araw.
---
KAT-KAT's POVPagkagising ko ay dumiretso na kami agad sa villa ng mga noble prisoners.
Pagpasok ko sa loob ay nawirduhan ako sa mga kinikilos ng mga noble na nandito.
"Anyare sa inyo?" Tanong ko.
Lahat kasi sila ay gulat na gulat na nakatingin sa amin. Ang isa ay nakaturo pa ang daliri sa akin. Na parang nakakita ng multo at pinaghihinalaang ako nga iyon!
"Hello?" Tawag ko ulit. Ngunit nanatili silang nakatulala at tila mas na-alarma pa sa muling pagsasalita ko. "Okay! Simula sa araw na ito. Kayong lahat ay alipin ko." Proud kong sigaw.
Nang sabihin ko iyon, ay lahat silang anim ay napanganga. Tila iniisip kung seryoso ba ako sa sinabi o kailangan nila akong seryosohin. At nagtataka kung may katotohanan ang aking sinasabi o nagbibiro lamang ako.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!