shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
Chapter 21
Hindi makapaniwala ang hepe ng pulisya sa kanyang nakikita. Ang amang inakalang namatay at nagawan ng libing. Ngayon ay masayang tinatawag ang kanyang pangalan. May kasama itong limang lalake na mga naka-ngiti rin sa kanya.
Naguguluhang nilapitan niya ang ama. At pasimpleng sinuri ang katawan nito. Napansin niyang hindi na ito hirap maglakad gaya ng dati. At sumigla ang katawan nito.
"John anak? Mabuti naman at nakarating ka na rin dito." Bati ng dating chairman sa kararating lang na anak. Mabilis niyang niyakap ito at giniya papunta sa mga kasamang nagbababad sa fountain.
"Bweno, ito pala ang aking anak na lalake. Ang kinukwento ko noong isang araw pa." Pagpapakilala nito sa mga kasama.
Naguguluhang humarap sa mga naroon si John at nagpakilala.
"Magandang araw po. Ako si John Corpuz. Ang hepe ng lungsod na ito."
Tinanguan lamang siya ng mga kalalakihang naroon.
"Sila nga pala ang mga advisor nitong pamangkin mong si Jasper." Pakilala ng ama sa tatlong lalake na nasa kanilang mid 20s.
"At ito naman ang isa pang tiyuhin ni Jasper. Si Nikolai." Turo ng kanyang ama sa isang lalake na malayo-layo sa kanila. May hawak itong kopita at nakatangong itinaas nito ang inumin.
"At ito naman ang matagal ko ng kaibigan na gustong ipakilala sa iyo." Hinila siya ng kanyang ama palapit sa mga sofa na nakalagay malapit sa may fountain. Kakaiba ang disenyo nito. At naka-upo doon ang isang lalakeng pinagkaka-utangan niya ng loob sa negosyo.
"Siya ang ninong mo. Ang matalik kong kaibigan. At kasosyo ng mommy mo. Si Raf." Nasisiyahang pakilala ng ama sa lalake.
Tumayo ito at mabilis na niyakap siya. Malalakas na tapik ang ginawa nito sa kanyang balikat. At hinarap ito habang nakahawak ang mga kamay sa mga braso ni Corpuz.
"Tunay ngang tinupad mo ang iyong pangarap na maging isang magiting na pulis sa puntod ng nanay mo. Natutuwa ako sa mga achievements mo sa PNP." Pagbati nito sa kanya.
"K-kayo po ang ninong na matagal ng kinukwento sa akin ni mommy?" Litong tanong ni John sa lalakeng kaharap.
"Oo. Ako nga. Hindi ka ba makapaniwala?" Nakangiting tanong nito.
"Nagugulat lamang ako sa nalaman, Mr. Raf. Kaya po ba hindi kayo nagdalawang-isip na makipagsosyo sa maliit na security firm na itinayo ko noong nakaraang taon?" Pagtatanong ko.
Napatawa naman ang matanda dahil sa hindi makapaniwalang sinabi ng kanyang inaanak.
"Nagmana ka talaga sa tatay mo. Ang dami niyong pag-aalinlangan sa maraming bagay." Sabi nito habang natatawang nakatingin sa kaibigan.
"Hindi mo ako masisisi, Raf. Sa dami ba naman ng mga pakulo mo. Ay hindi ko na alam kung ano ba talaga ang totoo sa hindi!" Depense ng kanyang ama.
"Mabuti pang magpahinga ka muna sa isa sa mga silid dito. Saka na tayo mag-usap ng matagalan. Batid kong pagod ka na. Marami pa naman tayong oras."
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!