CHAPTER 32

79 11 4
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you. ❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

A/N

I recently joined dreame to write and earn at the same time.

Please follow me on dreame (shiehitsYu) and support 'Gale Reincarnate: Another Story'

Thank you!

❤️

----

Chapter 32

Masyado ng maraming nangyayari na tumataliwas sa mga plano ko. Hindi ko inaasahan itong paglitaw ng bagong Cindy at Gale sa mismong kaparehas na panahon.

Hindi pwedeng tumagal pa ng maraming panahon ang pamamalagi ko dito. Kailangan ni Haliya ang tulong na mabibigay ng kapangyarihan ko.

Nalalapit na ang pagbabalik niya.

...

"MAYARI?! SANDALI!"

Naputol ang malalim kong pag-iisip ng marinig ang boses na iyon.

Binagalan ko ang paglalakad ng may pumasok na ideya sa isipan ko.

Kapangyarihan na kayang tumagal sa kahit anong klaseng panahon.

"WAIT!!!"

Kahit nasa Sefylle na ako, ay pwede kong tawagin ito.

Nilingon ko ang paparating na paslit. Patawarin mo sana ako sa gagawin ko.

---

Nang matapos naming tumawag ng pulis. Ay agad kaming pumunta ni Mayari sa bahay ng mga namayapang magulang ni Cindy.

"Mayari? Hindi ba tayo papasok?" Tanong ko ng bigla itong tumigil sa harapan ng gate. Parang wala itong naririnig dahil hindi ako nito pinapansin. Kanina pa.

Nanlalaki ang mga mata ko ng makitang inilapag lang nito si baby Rin-Rin sa sahig. Nakabalot lamang ito ng crochet sweater na suot kanina ni Cindy.

"Mayari! Anong ginagawa mo?! Madumi diyan!" Suway ko dito.

Pero hindi ako nito pinansin at naglakad papalayo ng malaking bahay.

Napatingin ako kay baby Rin-Rin. Nakangiti itong nakasilip sa akin habang nilalaro-laro ang kanyang dalawang kamay.

Hindi ko kayang iwan na lamang dito si Rin-Rin. Baka awayin ako nila Kat-Kat kapag pumunta na ako sa kanila!

Kailangan kong tawagin si Mayari! Baka magbago pa ang isip niya.

Mabilis akong tumakbo ng hindi ko na makita si Mayari. Nang lumiko ako sa kanto ay laking gulat ko na malayo na pala ang narating nito!

"MAYARI! SANDALI!"

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon