CHAPTER 35

100 9 3
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you.

❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

Chapter 35

...

Nina's POV

Into the New World

...

1 week ago, before the Magical Transport from Earth going to Sefylle

...

PART ONE

...

"Mukhang hindi basta-basta ang magiging pasyente mo. Kaya pala ganun na lang karami ang binibigay nila sa'yong kaalaman tungkol sa mahika."

Napa-angat ang tingin ko sa kasama ko ngayong si John. Ang bagong chairman namin sa organisasyon.

Kasama ko siya ngayon, dahil kinuha ng deity na si Mikee ang serbisyo namin. At dumagdag kanina lamang sa listahan ng aming bigating customer ang isang bata, na nagngangalang Mel.

Kung hindi pa sa akin sinabi ni Mei, ang aking Girl Elf, na isang deity ang nakaharap namin kanina. Ay baka hanggang ngayon ay ini-isip kong bigating bilyonarya ang bata.

Kaya pala ganun na lang magwaldas ng ginto ang batang babae. May kakayahan pala kasi itong gumawa ng ganoon ng walang kahirap-hirap.

Siguro, ay kung mabibigyan ako ng espesyal na kakayahan. Pipiliin ko yung magpapayaman sa akin. Para nang sa ganon ay mabawi ko na ang isa ko pang kapatid.

Balita ko, ay iba ang takbo ng oras dito sa Magical Mansion kesa doon sa labas. Mas gugustuhin kong mabawi na sa lalong madaling panahon ang aking kapatid sa taong yun. Bago pa man kami maka-alis papuntang Sefylle sa susunod na linggo.

"Master? Pwede nating gawan ng paraan ang pagkuha natin sa kapatid mo!"

Nakuha ni Mei ang atensyon ko sa sinabi niyang iyon.

"Hindi ba sumunod sa usapan ang matandang si Vilmaz?" Tanong ni John.

"Hindi." Sagot ko. "Humihingi siya sa akin ng ibang kabayaran. At hindi daw kayang palitan ng anumang presyo ng pera iyon. Yun ang sabi niya."

"May maitutulong ba ako?"

Napaharap ako sa kanya. Gusto ko mang sabihin ang buong pag-uusap namin ng ganid na matanda. Ay hindi ko iyon kayang i-kwento sa kanya. Ayokong kaawaan ako ng nag-iisang tao na mataas at puno ng respeto ang tingin sa akin.

"Hindi na. Mabibigay ko rin iyon sa kanya sa mga susunod na araw." Pagtanggi ko. "May minungkahi si Reyna Mayari na solusyon. Na siguradong magpapalayo sa matanda sa aming pamilya." Dagdag ko.

"Mabuti naman kung ganun. Hindi lang kasi talaga ako mapalagay kapag lumalapit sa inyo ang matandang Vilmaz."

"EHEM!" Biglang lumitaw sa pagitan namin si Del. Ang kanyang Girl Elf.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon