CHAPTER 38

129 7 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you.

Happy Reading!


◖⚆ᴥ⚆◗


----

Chapter 38






After a two week break since we arrived here in Sefylle. I quickly trained myself on the kind of lifestyle that Sefies have here. I prefer to accept that children the same age as Liit and Jepoy, are able to live on their own.

At first I didn't agree with it. But when Tita Esme took me to the city of Ele-ōre Forest, it was only then that I realized that the style of civilization here was different from that in the Philippines.

Mas sanay lang talaga ako na ang mga batang katulad ni Jepoy at Liit ay nakadikit pa sa akin. Pero dito, ang mga tulad nila ay dapat ng may kakayahan na makipagsapalaran sa buhay.

Grabe ang naging kaba ko noon nung makita ko sa unang araw namin dito ang mga ginawa nila sa bahay na tutuluyan namin dito. Lalo na yung mga ginawa nila sa sumunod na araw.

Mabuti na lang at narito sina Tita Esme para alalayan kami sa hindi pangkaraniwang buhay dito sa gubat. Binigyan ng magkapatid na reyna ang mga bata ng kakayahan, para makipagsabayan sa mga kalaro nilang sina Mik-Mik at Kat-Kat.

Ngayon, ay nagsasanay sila sa pangunguna ni Gao Preston. Tatlong buwan mula ngayon ay magkakaroon sila ng pagsusulit. May kina-usap na Grandmaster sina Reyna Mayari at Haliya. Para pamunuan ang magaganap na pagsusulit.

"Kapag may naramdama kang kakaiba, Kat-Kat. Tulad ng pagkahilo o biglaang pandidilim ng paningin. Pindutin mo kaagad itong necklace. Agad na lilitaw sa tabi mo ang mga healing faeries na dinala ng Reyna Mayari para alalayan ka papunta dito."

"Maraming thank you talaga, Doc Nina! The best ka talaga!"

"Sus! Binibilog mo lang ang ulo ko. Balita ko ay hindi mo ininom kagabi yung ginawa kong concoction para sa mga episodes mo. May problema ba na hindi ko alam, Kat-Kat?"

Agad natigil ang pagpapa-cute na ginagawa sa harap ko ng aking makulit na pasyente.

"Ayy? Pano mo yun nalaman Doc Nina?" Takang tanong nito.

May panhihinalang tumingin ito sa akin. Bago mabilis iginala ang mata sa kabuuan ng opisina ko.

Mas maiging hindi niya alam na hindi lang bastang healing faeries ang nakabantay sa kanya. Baka kapag nalaman niya iyon, ay humanap pa ito ng paraan para limitahan ang report na ginagawa ng mga healing faeries sa akin.

"Alam mo namang hindi lang ako bastang ordinaryong doktor na lumipat dito mula sa mundo ng mga tao."

"Ayy! Oo nga pala. Binigyan ka rin pala ni La Haliya ng powers katulad nila Liit." Sagot nito. Mabuti na lang at hindi na ito naghinala pa. "Pero bakit hindi mo pinapakita ang powers mo?" Tanong niya.

"Wag kang mag-alala. Makikita mo rin kung anong powers ang meron ako." Sagot ko sa kanya.

"Katulad ka ba ni Liit na may healing ability tsaka may elemental powers? Kasi di ba? Doktor kita?"

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon