CHAPTER 43

78 3 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.

And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

❤️

A/N:
ADD. VOTE. SHARE.
Gale Reincarnate in Wattpad

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 43

The Untimely Allegiance



Nagising ako sa kwartong tinutuluyan namin sa bahay nila Lolo Tay.

Hindi maganda ang tulog ko. Kaya pagkagising ko, ang sakit-sakit ng ulo ko.

Pakiramdam ko, may nakalimutan akong importanteng bagay pagkagising ko.

Bumangon na agad ako sa kama. Halos nanlalambot ang buong katawan ko. Nakalimutan ko atang kumain kagabi dahil sa kaka-iyak.

Teka! Bakit nga pala ako naiyak ng ganoon kahapon? Kung iisipin, hindi naman iyon ang unang beses na nakipag-inisan ako kay Leyno. Pero bakit talaga ako naiyak ng ganun kalakas?

Haist! Di bale na lang! Sasakit lang nito ang ulo ko kaka-isip! Gutom na gutom na ako!

Lumabas ako agad ng kwarto at bumaba papuntang kusina.

Naabutan ko si Lolo Tay na naghahain para sa agahan.

"Oh, Kat-Kat! Gising ka na pala. Tara, kain."

Alok sa akin ni Lolo Tay.

Pagka-upo sa lamesa, ay nakita ko lahat ng paborito ko!

"Wow! Lolo Tay! Lahat ng to, paborito ko!" Sabi ko sa tuwa.

Agad kong hinawakan ang tinidor at kumuha ng mga pagkain. Sinandukan na rin ako ni Lolo Tay ng makita niyang nanginginig ang kamay ko habang nagsasandok ng pagkain.

"Mmm! The best ka talaga Lolo Tay magluto ng chicken pasta!"

"At niluto ko rin yung paborito mong kalderetang kambing."

Natigilan ako sa sinabing iyon ni Lolo Tay.

"May kambing dito sa Ele-ōre Forest?" Takang tanong ko.

Ngumiti lang sa akin si Lolo Tay bago sumagot.

"Noong pinadala nila Allan iyong mga shopping hauls mo. May isinama silang isang pares ng kambing, baboy, baka, kalabaw, manok, pato, pabo at saka mga itik. Sabi niya, maganda raw mag-alaga ng mga yun dito sa Sefylle. Dahil mabilis lumaki at rumami ang mga hayop dito. Nung una, ay nagduda pa ako. Dahil maliliit ang mga pinadala niya. Ilang linggo lang ay nakita kong mabilis maglakihan ang mga hayop na ginawan ko ng kulungan sa may likod."

"Wow!" Iyon na lamang ang naging sagot ko sa napakahabang paliwanag sa akin ni Lolo Tay.

"E di, pwede na tayong magluto ng lechon?" Excited na tanong ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon