CHAPTER 17

124 16 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 17

(untitled)

MAYARI's POV

Nilapitan ko ang mag-ina sa Healing Fountain. Saka ko binuhos ang mana sa aking mga palad papunta sa baston. Gamit ang isipan, kina-usap ko ang baston na ilabas ang buong lakas ng kanyang kapangyarihan.

Nang may naramdaman akong paggalaw dito. Hinila ko palapit sa akin ang dalaga. At tinutok ang baston sa kanyang dibdib.

Ramdam ko ang malakas na mana na dumadaloy sa katawan ng dalaga. Ilang sandali pa, ay nakita ko ang unti-unting paglaki ng kanyang tiyan.

May biglang lumitaw na sirena sa magkabilang tabi ng dalaga. Transparent ang kanilang mga katawan. Kaya kita ang core nila na nagbibigay buhay sa kanilang anyo.

"Kami ang Healing Nurse na pinadala ng Healing Fountain. Tutulong kami sa ligtas na pagpapa-anak ng dalaga."

Pakilala ng dalawang sirena sa akin.

"Gumising ka binibini."

Paka-usap nito sa dalaga.

Kahit pagod at hirap man. Ay pinilit ng dalaga ang idilat ang kanyang mata. Nagtataka man sa kung nasaan siya. Ay kalmado nitong hinarap ang dalawang sirena.

"N-nasaan ako? S-sino kayo?" Pabulong na tanong nito.

"Nasa Magical Mansion ka. Dinala ka dito ng inyong Prinsesa na si Mayari para iligtas ang iyong ipapanganak na sanggol."

Sagot ng sirena.

"Yung baby ko." Na-iiyak na tawag nito.

"Huminahon ka. Hindi makakatulong ang iyong pag-aalala. Manganganak ka na. Kaya sundin mo ang mga sasabihin ng dalawang sirena." Sabi ko dito.

Kumalma naman ito kahit papaano. At nag-umpisang gawin ang breathing exercise na tinuturo ng dalawang sirena.

"Ire."

At nag-umpisa na nga ang mahaba at mahirap na panganganak nito.

"Huwag kang sumigaw binibini. Mauubos ang lakas mo."

Tumango ang dalaga at sinunod ang sinabi ng sirena.

"Malapit ng lumabas ang sanggol. Pigilan mo ang antok mo."

Ilang sandali pa ay na-ilabas na ang bata.

"Wow! May sanggol!" Natutuwang sigaw ng bagong dating na si Selma.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon