CHAPTER 2

757 44 0
                                    

God of Hatred

I was imprisoned in a trance. I wanted to stop what was unfolding in my eyes. But sadly, I can't! I was restricted because I'm inside a nightmare.

---

Pinapakain ko ngayon si Mik-Mik ng agahan. Ng biglang may sumipa pabukas ng pintuan ng bahay.

"Anong kailangan nyo?!" Tanong ni lolo tay sa kanila.

"Ha! Hindi mo na kami maloloko Wilfred! Sasama kayo sa amin? O kakaladkarin namin kayo palabas?" Magaspang na tanong ng isang bruskong matanda kay lolo tay.

Plok!

Hindi ko na napigilan si Mik-Mik sa ginawa niyang pagbato sa lalake.

"Aba't! Pasaway kang bata ka!" Galit na humarap ito sa amin. "Kunin nyo yung paslit! Ikulong nyo!" Utos nito sa mga kasama.

Agad kong binuhat si Mik-Mik at hinanda ang sarili sa mga mangyayari.

Mabilis na lumapit ang isa sa mga kasamahan nung lalake. At marahas na hinila si Mik-Mik.

"MA!!!!" Palahaw na iyak ng bata dahil sa ginawa ng lalake. Mabilis akong kumilos at sinuntok ng malakas ang lalake sa mukha. Tumilapon ito palabas ng bahay, na siyang nakakuha ng atensyon ng mga kapitbahay sa malayo.

BANG!

"Nanlalaban pa kayo!"

"BERT!" Nahihintakutang sigaw ni La.

Nakita kong nakahandusay ang katawan ni lolo tay sa sahig. Nakita ko ang kasing-laki ng kamaong butas sa dibdib ni lolo tay.

"Ma!" Humawak si Mik-Mik sa laylayan ng damit ko na pumapalahaw pa rin ng iyak. "Ma!" Mahigpit itong yumakap sa kanan kong binti.

"Veronica! Umalis na kayo ng anak mo!" Sigaw ni La na ngayo'y hinihila ng mga lalake palayo sa katawan ni lolo tay.

"LAGOT KAYO SAKIN NGAYON!" Nakita kong itinutok nito ang hawak na armas sa amin ni Mik-Mik. May kung anong hinatak ito pababa sa likod na siyang mas nagpaliwanag sa dulo ng armas nito.

"VERONICA!"

Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-igalaw ang aking katawan. Sa kabila ng pagtawag sa akin ni La. Nakita ko na lamang ang sarili kong nakatayo na parang tuod. Hinihintay ang gagawin ng lalake sa harap ko. Pilit kong hinanap si La sa aking paningin. At doon ko na lamang napansin ang malakas na pagdaloy ng dugo sa kanyang paanan. Nakita kong may inilabas na mahabang kutsilyo ang lalakeng sinuntok ko kanina. Sinaksak niya ito sa likuran ni La, na pilit kumakawala sa dalawang lalake. Nangungutyang humarap sa akin ang lalakeng sumaksak kay La. At maka-ilang beses na inulit ang ginawa na pawang nasisiyahan sa nangyayari.

"LONG LIVE, LORD HEISEN!" Sigaw ng lalakeng bumaril kay lolo tay at kinalabit ang gatilyo.

Sa mga huling sandali, napatingin ako sa bintana. Doon, nakita ko ang limang lalakeng nakasuot ng mahahabang damit na kulay puti. May kung anong transparent na kulay na bumubuo ng kakaibang letra at guhit ang nasa kanilang harapan. Alam ko kung ano ang bagay na iyon!

BAANG!!!

---

Nabuwal ako sa pagkaka-upo sa tabi ni La. Para akong sinasakal sa leeg at may kung ano ang pumipiga sa dibdib ko.

"Ma!"

Narinig ko ang pag-iyak ni Mik-Mik sa kwarto.

"Anong nangyayari sayo Kat-kat?!" Nag-aalalang tanong ni La.

"Ma"!

Kahit nahihirapang huminga, nakita ko si Mik-Mik na umiiyak na naglalakad palapit sa akin. Tumagal ng ilang minuto ang bigat ng aking nararamdaman. At sa bawat segundo, pakiramdam ko ay na-uubusan ako ng hininga.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon