CHAPTER 5

448 28 0
                                    

***

Lolo Tay's POV

Hindi ko lubos maintindihan ang sinasabi ng aking apo. Pero nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari sa amin ngayong gabi. Minsan ng nanganib ang buhay naming mag-asawa. At hindi lang kami isang beses kamuntik ng mamatay. Dalawang beses na rin kaming nagkaroon ng pangalawang buhay kundi lamang sa tulong ng aking apo.

Matagal ko ng hiniling ang mamahinga at matapos na lang ang mga problemang dumarating sa buhay namin. Ilang dagok ang sinuong namin alang-alang kay Cindy. At hindi namin maatim na makitang mag-isa na lamang sa buhay ang pinaka-mamahal naming apo. Dahil walang maiiwang mag-aalaga sa kanya.

Aaminin kong may pagkukulang kami sa kanya. Pero hindi namin kayang mapunan ang kalinga na tanging kanyang mga magulang ang tanging makapagbibigay. Lubos ang aming pagsisisi, dahil sa tuwing nakikita kong umiiyak ng palihim sa amin si Kat-Kat, naaalala ko ang malaking kasalanang nagawa ko sa kanilang mag-ina.

Ilang beses kong sinubukang sabihin iyon sa bata. Pero sa tuwing maglalakas ako ng loob, parati akong iniiwasan ni Kat-Kat. Alam kong alam niya na ang lahat. Pero nais kong tulungan siyang maintindihan ng mabuti ang mga nangyari noon. Gusto kong magpaliwanag sa bata. Ngunit hindi ko alam ang mga salitang gagamitin para hindi masaktan ang bata sa mga malalaman niya.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Nakita ko na lamang ang sarili kong naglalakad pa-uwi sa amin.

"Wilfred!"

Napatingin ako sa gilid ng marinig ang pagtawag sa aking pangalan. May inilabas itong kung ano sa dala nitong bag.

"Paunang regalo namin sayo." Ibinato nito papunta sa akin ang hawak niyang gamit.

Bumagsak sa aking harapan ang isang balabal na punung-puno ng dugo. Kilala ko ang balabal na ito! Suot ito ng asawa ko, bago siya umalis sa trabaho kaninang umaga!

"Wag kang mag-alala. Makakasama mo rin ang asawa mo sa kabilang buhay! Ahhahaha!" Nangungutyang saad nito.

Sumakit ang aking loob sa na-isip na sinapit ng aking asawa sa kamay ng mga taong to! Mabilis akong lumapit sa kanila at inambahan ng suntok at sipa sa kanilang mga katawan. Hindi ko sila tinigilan sa magkakasunod kong pag-atake! Papatayin ko sila!

"Ack!"

"Ugh!"

"A-ah!"

Daing ng limang kataong binubugbog ko. Hindi ko sila binigyan ng pagkakataong makabawi. Agad kong pinatulog ang tatlo sa kanila sa pammagitan ng pagsipa sa kanilang tiyan. Mabilis silang nawalan ng malay dahil hindi banat ang mga katawan nila. Inundayan ko ng malakas na sipa sa panga ang isang may hawak ng armas. At pabagsak itong natulog sa lupa.

"Magbabayad ka!" Nangangalit na sigaw ng hula kong lider nila.

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makabangon. Agad akong tumakbo sa kanya at malakas na sinipa ang kanyang ulo. Tumalsik siya ng ilang metro ang layo sa akin. Ng makitang gising pa ang isang ito ay mabilis ko siyang dinaganan sa kanyang tiyan at binigyan ng sunodsunod na suntok ang kanyang mukha

"Mga wala kayong puso!" Masama ang loob na sigaw ko sa kanya. "Wala kayong awa!"

Nagpatuloy ako sa pambubugbog ko sa kanya. Hindi ko tinigilan ang isang to kahit namamaga na ang kanyang mukha.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon