EPILOGUE

2K 96 2
                                    

To Die For My Family

All beginnings had an end. And I never knew that it would be too soon.

---

3%

10%

25%



87%

90%

95%

97%

98%



99%



100%

Message unsuccessfully Sent

Try Again Later!

🤯

---

I spent almost 15 minutes waiting in that cell tower para lang ma-send ko kay Sir yung immediate resignation letter ko. Mag-aalas-tres na rin ng hapon kaya naisipan ko ng umuwi sa bahay. Pinili kong maglakad na lang pa-uwi, baka sakaling may makita akong baboy-ramo sa daan. Masarap pa naman ang karne nun! Tiyak na matutuwa si nanay pag natikman nya yung Special Adobo ko!

I was laughing to myself ng may narinig akong mabigat na yabag on my 4 o'clock. Pinakiramdaman ko ang paligid dahil baka mga rebelde iyon, kailangan kong mag-ingat! At my 90 meters south, I sharpen my eyes and see what was that all about? Nakita ko malapit sa mga puno ang nagtatakbuhang mga usa at isang baboy-ramo. Tingnan mo nga naman! Natatakam pa lang ako sa baboy-ramo kanina, pero ngayon? May nakita akong isa! Mga nasa 78 kilo ata ang bigat ng isang yun! Pwede na yun para sa dalawang araw na fiesta sa bahay!

Hinakbang ko paatras ang kaliwang paa ko at hinanda ang balanse sa kanang paa ko. Huminga ng malalim. At makalipas ang ilang segundo, ay tumakbo ng mabilis papunta sa direksyon ng pang-ulam ko. Habang umiiwas sa mga puno dito sa may gubat. Tinago ko paunti-unti ang presensya ko. Sampung segundo bago makalapit sa baboy-ramo ay pinigil ko ang paghinga. Tumalon ako ng mataas sa ere at bumagsak sa may harap ng baboy-ramo. Agad kong sinuntok ito pabagsak sa lupa. Na siyang naging dahilan ng pag-igik nito ng malakas. Naramdaman kong napatigil sa pagtakbo ang ilang usa na hinahabol nito at napatingin sa akin. Habang ang ilan naman ay nagpa-tuloy sa pagtakbo palayo. Kinuha ko ang isang hunting knife na nakuha ko pa doon sa lalakeng may pulang kwintas noong nakaraang buwan. Saka nilaslas ang leeg ng kawawang baboy. Naghintay ako ng ilang minuto bago maubos lahat ng dugo nito sa katawan. Saka ko itinali ang mga paa nito gamit ang mga baging na pinutol ko sa may puno sa malapit. Maingat kong binuhat ito sa aking balikat at kumaripas ng takbo pa-uwi sa amin. Mahirap ng matyempuhan ng mga lobo dito sa gubat. Ang lalakas pa naman ng trip ng mga yun! Kaibigan ko naman sila, kaso hindi ko lang talaga masabayan ang mga kalokohan nila, minsan.

Makalipas ang ilang minuto, tanaw ko na ang bahay namin. Mas binilisan ko pa ang takbo pa-uwi dahil natutuwa ako sa na-i-uwing ulam.

BANG!
BANG!

Agad akong napahinto pag-karinig ng tunog ng baril. Malapit lang iyon sa amin! Binitawan ko ang baboy-ramong hawak sa balikat para mas mapa-bilis ang pagtakbo ko. Nakita ko si nanay na tumatakbo palabas ng bakuran.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon