Arthur
Nalaman kong pinatulog nanaman ako ng sakit ng ulo kong yun ng ilang araw! Pag-gising ko, nasa tabi ko si Mik-Mik na maganang kumakain ng macaroons na bigay ni Aries. Nanlalaki ang mga mata nito ng mahuli ko siya.
"Mma." Mabilis na nilunok nito ang kinakain. Tsaka nahihiyang inalok ang macaroons.
Maingat akong bumangon saka sinaluhan siya sa magana niyang pagkain. Nakita kong wala na sa tabi ko ang mga gamit na pinadala sa akin ni Aries. Siguro niligpit yun ni La. Nang mabusog ako, lumabas ako ng kwarto para kumuha ng ma-iinom. Dinalhan ko na rin si Mik-Mik.
Nang matapos magpahiran. Hinanap ko kung saan nilagay ni La ang mga gamit ko. Binuksan ko ang tukador, pero wala akong nakita. Lumabas ng kwarto at hinalughog ang buong bahay. Hindi ko makita yung mga gamit! Sa paghahanap ko, dun ko lang nadiskubre na may basement pala itong bahay. At sa loob, nakalagay ang iba't-ibang uri ng pagkain. Siguro naman, wala dito yung hinahanap ko. Napagpasyahan kong umakyat sa taas.
Walang sala ang bahay. Kainan na ilang hakbang lang ang layo sa lutuan at hugasan. May malaking kabinet na naglalaman ng mga kagamitang panluto. At malapit sa may pinto nakalagay ang iginuhit na pinta ng nanay ni Veronica. Wala dito ang hinahanap ko.
Napag-pasyahan ko ng pumasok ulit sa kwarto. Doon ko naabutan si Mik-Mik na iniinom na ang tubig nya. May mga natatapon sa pag-inom nya. Pero in fairness, independent ang bata para sa isang two years old. Behave at hindi iyakin! Nagmana ata ito sa nanay niya. Agad akong napahinto sa na-isip. I'm technically her mother now.
Kumuha ako ng pamalit nya ng damit sa loob ng drawer na gawa sa kahoy. Matapos siyang bihisan at ilayo ang macaroons sa kanya. Ay na-isipan ko ng mahiga sa tabi nya. Naka-upo lang si Mik-Mik habang nilalaro ang isang manika na tiyak kong gawa ni lolo tay.
"Mik-Mik? Alam mo ba kung saan nilagay ni La yung mga gamit ko?" Pagtatanong ko sa bata. Hayy. Paano naman to makakasagot sa akin. Hindi pa naman ito nakapagsasalita ng maayos maliban sa 'Ma' na paulit-ulit niyang binibigkas.
Hinarap ko ang bata, at nahuli itong nakatingin sa akin. Ilang sandali lang ay hinagis niya ang hawak na manika.
Hayy. Ano pa naman ang aasahan ko sa isang dalawang taong gulang na bata?
Tinatamad akong bumangon, tsaka mabagal na lumapit sa pinaghagisan niya. Dahil sa pabilog ang disenyo nito na katulad sa isang sikat na russian doll. Umikot ito pa-ilalim sa higaan. Sinalat-salat ko ito para maabot. Maka-ilang bese ko iyong ginawa dahil hindi ko alam kung saan napunta iyon. Maya-maya pa, may nahawakan ako sa ilalim ng kama. Agad akong yumuko para tingnan kung ano iyon. Eureka!! Ang mga gamit na hinahanap ko!
"Hihihhi." Agad akong napalingon kay Mik-Mik nung marinig ko siyang tumatawa. Nanlaki ang mga mata ko nang malamang naiintindihan ako ng bata!!
"I love you! Mik-Mik!" Natutuwa ko itong niyakap ng mahigpit habang patuloy ito sa pagtawa. Mabilisan kong kinuha palabas ang mga gamit na kadikit lang ng manika niya. Pinunasan ko ito, bago inabot sa kanya. Lumuhod ako sa sahig saka ma-ingat na binuksan ang atache case.
"WOW!" Namamangha kong wika! Merong 32" iPad tsaka 28" na laptop sa loob! May binoculars rin tsaka limang libro! Yung mga gamit ko sa pag-gawa rin ng laruan ay nandito rin! Gamit ni La sa pagtahi! Tsaka yung paboritong baril ni lolo tay!!! "I love you, Aries!" Nasisiyahan kong sigaw.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!