shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 14
Council Meeting
Part 1
ALAN's POVNasa opisina kami ngayon ng pup at umiinom ng tsaa. Sinisigurado namin ni Raul na umiinom nito ang pup. Hindi lingid sa kaalaman namin ang linggu-linggong pagpapa-party ng bata. Kaya kapag narito kami, tsaa, tubig o kape ang pina-iinom namin sa kanya.
"Itangs? Sigurado ka bang okay lang na iwanan doon si tyong?" Tanong nito matapos uminom ng tsaa.
"Hayaan mo yun. Matanda na si Corpuz. Hindi lamang ganito ang naranasan niya. Malalaman mo rin ang lahat kapag nagka-usap na kayo." Sagot ko.
"Ah--. Yung mga Meyris? Bibisita pa ba sila dito?" Tanong nito.
"Malamang hindi na. Mas ligtas sila doon kesa dito." Maikli kong sagot.
"Pero pwede tayong bumisita sa kanila di ba?" Tanong nito ulit.
"Yan ang hindi mo pwedeng gawin Jasper. Guguluhin mo lamang ang takbo ng cosmos sa ating panahon. At yun ang iniiwasan nating mangyari."
"Pag nagulo ba? Anong pwedeng mangyari?" Kuryuso nitong tanong.
"Mga bagay na hindi mo inaasahan." Ibinaba ko ang tasang hawak at seryoso siyang tiningnan sa kanyang mga mata. "Muntik ng mangyari iyon sa atin. At milyong buhay ang nawala. Kaya wag mo ng balakin pa ang makapunta doon. Alisin mo na rin sa isipan mo ang lugar na iyon. Malaking gulo ang pinagdadaanan nila. At ayokong madamay pa tayo sa lagim na dala ng Sefylle."
Nakita kong natigilan sa pag-inom ang pup. Marahil hindi niya inaasahan ang ganitong reaksyon mula sa akin.
"At ano nga pala ang pinag-usapan niyo ng batang maliit bago sila umalis." Pang-uusisa ko sa kanya.
Nakita ko ang kaba sa kanyang mukha sa hindi inaasahan na tanong. "A--ah. Ano. Humingi lang siya ng pasalubong pa-uwi sa kanila. Para daw sa nanay niya. Hehehe." Kakamot-kamot nitong sagot.
May tinatago sa akin ang batang to. Alam ko at sinabi na sa akin nina Miguel kung ano iyon. Pero kung saan niya gagamitin ang bagay na ibinigay sa kanya, yun ang kailangan kong bantayan.
"Jasper. Makinig ka sa sasabihin ko. May kapangyarihan sa Sefylle ang kayang magpagaling sa iyong ina." Umpisa ko. "Pero kaya mo bang bayaran ang hinihingi nitong kapalit?" Tanong ko.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Natigilan siya ng mawari niya ang gusto kong sabihin.
"Alam mong ayokong magkaroon ng koneksyon ang mundong to sa kanila. Minsan na tayong nagulo dahil sa pakiki-alam ng isa sa kanila. Kaya paki-usap. Ayoko ng digmaan sa buhay na ito." Paki-usap ko sa kanya.
"Pero hindi ba pakikidigma ang ginagawa natin sa ilang lahi ng mga bampira?" Depensa niya.
"Pakikipag-laban ang tawag doon, Jasper. Iba ang digmaan na tinutukoy ko sa digmaang alam mo. Maraming malalapit kang kaibigan. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing makita silang mamatay sa iyong harapan." Pinal kong sagot sa mga sasabihin pa niya.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!