shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
Chapter 25
THE UNCANNY NEW SETTLERS
Village in the Middle of Nowhere
It has been three days since our stay here. Hindi pa rin ako makapaniwala, na kayang gawin iyon sa amin ng mahal na prinsesa.
Napapa-isip tuloy ako sa mga nagdaang krimen nitong nakalipas na tatlong taon. Halos marami na rin ang nalagas sa aking hanay ng dahil sa kaso ng mga 'Missing Nobles'.
Noon, ay tinatanggi ko pa sa aking sarili na walang kinalaman ang prinsesa. Pero dahil sa ginawa niya sa akin doon sa Northern Region ng Eleō-re Forest. Mas lalong lumakas ang kutob kong malaki ang kinalaman ng Amore Faction sa mga nagdaang krimen.
Tatlo sa limang magigiting kong pinuno na kasapi sa Fifth Knight Order ang kasalukuyang nawawala. Kung parehas kami ng dinanas, sa kamay ng prinsesa. Hindi malayong buhay pa silang lahat. Kailangan kong mapuntahan ang Silangang bahagi ng kagubatan.
Pero paano kami makaka-alis mula dito sa tinutuluyan namin ngayon?
Ang halos apat na oras na nilakbay namin papunta dito. Sakay ng dalawang magical giant monsters na hindi pangkaraniwan ang bilis at liksi ng kanilang mga galaw. Kung gagamitin namin ang aming mga Pegasus. Ay baka abutin na kami ng mga dalawang lingo pabalik sa Northern Region!
"Captain Herald? Ano na po ang susunod ninyong hakbang?" Tanong sa akin ni Sir Campbell.
Kailangan namin ng sapat na ebidensya kung babalik kami sa Noble District. Tiyak na magbibigay babala sa prinsesa ang mga nobles na kabilang sa Amore Faction. Lalung-lalo na ang mga naka-upong opisyal na nangangasiwa ng buong fortress ng Sefylle Kingdom.
Hindi basta isang kompetisyon itong napasaok namin. Na lakas, mana at stratehiya lamang ay mananalo na kami sa isang laban. Kailangan namin ng isang noble na may mataas na katungkulan at kapangyarihan sa buong Sefylle.
Pero ang limang tao na nasa isip ko ay pawang nabibilang sa Amore Faction. Gustuhin ko mang makalapit ng diretso sa hari ay hindi ko iyon magagawa. Baka nga ay papalapit pa lang ako sa matayog na fortress na kaharian ay pinapatay na ako ng prinsesa.
"TAO PO! TAO PO! MAY TAO BA DIYAN!"
Sinilip ko ang bintana ng aming tinutuluyan ngayon. Ang mga sundalong nasa labas na nag-eensayo ay natigil sa kanilang mga ginagawa. Lahat ay nakatingin ngayon sa bandang gate ng malaking bahay na tinatawag nilang 'villa'.
Sa labas ay may tatlong bata. Parehas may dalang malaking basket na nakalapag sa lupa. At tig-isang mga bilao na hula ko ay may pagkaing laman.
"TAO DIYAN?!" Sigaw nilang tatlo.
Lumapit sa gate ang isa sa aking sundalo at kina-usap ang mga bata. Hindi ko naririnig ang kanilang pag-uusap. Dahil sa sound blocking na inilagay ng Elven na gwardiya dito sa loob ng bahay. Tanda raw na dapat naming magtiwala sa kanila. Dahil wala silang dahilan para panoorin ang aming bawat galaw.
Tumingin mula sa gate ang sundalo at sumilip sa bintana ng aking kwarto. Ng makitang nasa loob ako at nakatingin din sa kanila, ay may sinenyasan ito sa tatlong mga kasama. At tumakbo papasok ng bahay. Nakita kong kinuha ng tatlo ang bilao at basket na dala ng mga bata. Saka ako nakarinig ng katok sa pinto.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!