CHAPTER 22

111 13 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 22

Dinning with my reunited family really warms my heart. Buong akala ko na hindi na namin ito magagawa. Pero heto kami ngayon, masayang kumakain. Kasama ang pamangkin ko at iba pa.

"Uncle! Umalis ka nga! Ako ang anak ni nanay. Dapat ako ang nasa tabi niya. Hindi ikaw." Patuloy na reklamo sa akin ni Jasper.

"Hayaan mo kong tumabi sa nanay mo. Tsaka uncle mo ko. Ngayon ko na lang nakasama sa pagkain ang nanay mo." Dahilan ko.

Natapos ang kaunting salo-salo. At bumalik na kami sa loob ng mansyon. Kukumustahin ko na sana ang aking kapatid. Pero gusto daw akong maka-usap ng reyna.

"Ipagpaumanhin mo sana Sir John na kayo ay naabala namin. Batid kong gusto mo pang maka-usap ang iyong kapatid. Pero hiniling ng aming reyna na tawagin ka sa pagpupulong." Nakayukong paliwanag sa akin ni Butler Sebas-tian.

"Wag po kayong mag-alala. Nakatabi ko naman at naka-usap kahit sandali ang kapatid ko kanina. Ramdam kong importante ang pakay sa akin ng reyna." Tumango lamang sa akin si Butler Sebas-tian. Saka kami naglakad papunta sa reyna.

Ilang pasilyo ang dinaanan namin bago ko pa makita ang isang magaramg pinto. Siguro, dito.kami mag-uusap. Tutuloy na sana ako papasok sa loob, pero himinto si Butler Sebas-tian sa tapat ng linto. Saka seryosong hinarap ako.

"May makakasama tayong mahahalagang panauhin. Hiling ko sana ay wag kang mabibigla. O magugulat sa iyong mga makikita." Babala nito.

Naguguluhan man ay tumango lamang ako dito. Saka tumuloy na sa loob.

"Mahal na reyna." Tumayo sa may unahan ko si Butler Sebas-tian. Saka magalang na yumuko. "Narito na po ang bagong chairman ng mga hunter."

Agad nagsipaglingunan sa akin ang tatlong nag-uusap-usap. Kilala ko silang tatlo. Si Alan, Ninong Raf at ang reyna.

Nagtataka ako kung bakit naririto si Alan. Lalo na ang ninong na pinakilala sa akin ni dad na matalik niya raw na kaibigan.

"Mabuti naman at narito ka na." Sabi ng reyna.

Agad naman akong napayuko rito. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. Basta, ayaw kong ma-offend sa akin ang reyna.

"Ma-upo ka." Turo nito sa katabing upuan ni Alan. Blangko lamang ang ekspresyon ng mukha nito.

Ayaw ko mang makatabi ang lobong ito ay wala akong magagawa. Pinilit kong itago ang kairitahan na nararamdaman ko para kay Alan. Saka tahimik na umupo sa tabi niya.

Doon ko lang napansin na umupo rin si Butler Sebas-tian sa tabi ng reyna. Nakakapagtaka. Pakiramdam ko ay may pag-uusapan kami. And this feeling is telling me that it says 'no good'.

Tumikhim ang reyna bago magsalita. "Kilala na ako ng lahat. Pero alangalang sayo ay magpapakilala ulit ako." Matamis siyang ngumiti sa akin. "Ang ngalan ko ay Mayari. At ako ang bagong reyna ng mahiwagang mansyon na ito."

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon