shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 13
Arthur flew down papunta kina Lolo Tay. Everyone around them stumbled because of Arthur's strong wind.Nang makababa kaming lahat, nagkanya-kanyang takbuhan ang mga batang sakay ko papunta sa kani-kanilang pamilya.
Habang ako, agad akong tumalon kay Lolo Tay sa kanyang leeg para lumambitin. Pero kulang ata ang lakas ng pagtalon ang ginawa ko. Dahil imbis na sa kanyang leeg ay sa mga paa ng uncle ko ako nakalambitin pababa.
"Kat-Kat! Bitaw nga! Mahuhulog ako dito eh!" Reklamo ng uncle kong bugnutin.
"Eh, mas mahuhulog ako kapag bumitaw ako sayo!" Reklamo ko sa kanya.
"Eh, bakit ka ba kasi tumalon?" Nayayamot na tanong niya.
"Eh, sa gusto ko ring maglambitin kay Lolo Tay! Bakit? Ikaw lang ang pwede?!" Masungit kong sagot.
"ABAT!" Ginalaw-galaw ni uncle ang kanyang mga paa para dumulas ang kapit ko.
"LOLO TAY! SI UNCLE!!!" Ilang segundo na lamang ay ramdam kong pahulog na ako.
"KAT-KAT!" Sigaw nina Mel at Mik-Mik sa akin.
Para akong nawalan ng hininga ng makabitaw ako kay uncle. Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda ang aking katawan sa pagbagsak sa lupa. Ayaw kong saluhin ako ni Arthur. Mas matigas pa sa lupa ang mga scales sa dragon form niya! Lexir! Help me!
"Ugh!"
Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata. At nakita si Bossing na siyang nakasalo pala sa akin.
"Hindi pwedeng bitawan ng Lolo Tay mo ang pup. At baka mahulog naman ang dalawang batang nakasakay sa likod niya."
Alam ko naman yun, pero bakit kailangan pa ni Bossing ipaliwanag yun! Ang gusto ko lang naman ay mahulog kaming parehas ni uncle! Hmph!
Napansin kong nakatingala si Bossing kay Lolo Tay. Mukhang nag-uusap nanaman sila gamit ang telepathy. Gusto kong malaman yun! Bakit ba kasi sinarado ni La Haliya yung mga abilities ko? Kailangan tuloy naming tatlo magtago habaang nakasunod kina Lolo Tay kanina!
Masungit kong binalingan si uncle. Ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya. Hinarap ako nito at pasimpleng binelatan.
🤪
Nagsipag-babaan naman sina Mel sa likod ni Lolo Tay. Lagot ka sa amin Uncle Jace! May araw ka rin!
🥺
Lintik lang ang walang ganti!!!
🥴
"LOLO TAY OH! SI UNCLE INA-AWAY AKO!" Sumbong ko habang nang-aakusang nakaturo sa kanya.
"Luh! Ina-ano kita? Tahimik lang ako dito, ah!" Depensa niya.
"KAT-KAT! MAY BAGO TAYONG FRIENDS!" Masayang sabi ni Mel habang nagtatatalon-talon sa tabi ni Mik-Mik.
Binaba ako ni Bossing sa kanyang pagkaka-buhat. At hinarap ang batang naka-buntot sa kanila. Hindi ko siya agad napansin dahil nakatago ito sa likod ni Mik-Mik. Kung hindi ko lang tiningnan ang dalawang paa na nakatago sa likod nito.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!