***
Lumapit ako kay Mik-Mik at binuhat siya papunta sa kama. Hawak niya pa rin ang binocular na bigay ko.
"Arthur? Ano ang pwede kong gawing paghahanda para walang maka-alam na kahit na sino sa mga gagawin ko?" Pagtatanong ko.
"Maari tayong gumawa ng magic circle sa loob at labas ng bahay."
"Meron ka bang ibang alam gawin maliban sa magic circle?" Pagputol ko agad sa kanyang sasabibin. "Gusto ko sana yung walang makakakita na gumagamit tayo ng mana dito. Hindi ko pa alam kung sino ang mga kaaway ko."
Ilang minutong natahimik si Arthur.
"Meron akong nakitang mga kakayahan na ikaw lamang master ang may alam gawin. Kahit makita man ito ng ibang mga Sefies ay hindi nila kayo paghihinalaan." Sabi ni Arthur.
"Ano yun?" Pagtatanong ko.
"Ang inyong kakayahang magbalat-kayo." Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Saan nang-galing iyon? Wala akong nakitang anumang skills or magic na nagsasabi patungkol dun? At kahit kailan, hindi ko nagamit ang pagbabalat-kayo nung nabubuhay pa ako sa earth?" Pagtataka ko.
"Ang abilidad mong magbalat-kayo master ay namana mo sa iyong, ina. Hindi mo ito nagamit, dahil hindi mo ito nakitang ginawa ng iyong ina." Pagpapaliwanag niya sa akin. "Isa lamang ito sa mga kakayahang hindi mo pa nagagamit nung kayo'y nabubuhay pa."
Ibig sabihin, nadala ko hanggang dito sa Sefylle ang mga katangiang namana ko sa magulang at mga ninuno ko? Woah! Hindi ako makapaniwala sa mga rebelasyong sinabi sa akin ni Arthur.
"Tama kayo, master."
"Naririnig mo rin ang mga ini-isip ko?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Tama po kayo, master. Maaari nyo akong kausapin o utusan gamit lamang ang inyong isipan."
"Okay! Pag-usapan natin ngayon ang pinaplano ko!"
"Opo, Master."
"Ilang porsyente ang chances of winning natin?" Pagtatanong ko.
"Meron tayong 98% of winning probability, Master." Lumipad pababa si Arthur galing sa kisame at umupo sa tabi ni Mik-Mik. "Ipapakita ko Master sa inyo ang maaari nating gawin." May lumabas na kung anong liwanag sa noo niya. At lumitaw sa aking harapan ang maraming eksena na nagpapakita ng mga pwedeng mangyari.
"Alin dito ang magbibigay sa akin ng resulta ng isang tahimik na buhay matapos ng gagawin naming pagtakas?" Pagtatanong ko.
"Ito po, master." Nag-zoom in palapit sa akin ang isang tagpo kung saan, nakita ko ang sariling ginagaya ang katauhan nila La at lolo tay. "Kung ating palalabasin ang pagkamatay ng mga katauhan nina Wilfred at Vilma sa buong Safri. Maiiwasan natin ang mamumuhay sa Sefylle gamit ang ibang katauhan. Ngunit ito ay maaari lamang gawin para sa iyong La at lolo tay, Master." Paliwanag ni Arthur.
"Bakit hindi natin pwedeng patayin si Veronica?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Master, sa katauhan ni Veronica nanggaling si Mik-Mik. Kung papatayin natin ang katauhan ni Veronica, hindi magiging madali ang pamumuhay ng bata. Higit na pinahahalagahan sa Sefylle ang mga Sefies na may dugong bughaw." Hayag ni Arthur.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!