CHAPTER 39

91 4 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.

And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----


Chapter 39


Inipon namin ang mga nilabas kong bilanggo sa tore. Habang ang lapastangan ay hiniwalay na sa mga Sefies ang mga ka-uri niya.

Isa-isa kong tiningnan ang mga natira sa loob ng silid.

Iba-ibang klase ng kasuotan. Mapa-bata man at matanda.

Mukhang walang pinipiling edad at katayuan sa buhay ang pinaslang ko kanina. Anuman ang hangarin nila para sa mga bilanggo ay paniguradong nabulilyaso dahil sa akin.

Hindi man ito kasama sa mga plano ko. Pero nakikita kong mas kapaki-pakinabang ang pakikipag-kasundo ko sa mga lapastangan.

"Khazimier." Tawag ko sa aking alalay.

"Hanapin mo kung sino sa kanila ang kayang gumawa ng sandata at iba't-ibang palamuti." Utos ko dito. "Ihiwalay mo siya sa mga Sefies na dadalhin ni Mayari pabalik sa kanyang palasyo."

"Masususunod."

Agad na akong naglakad palabas ng silid. At iniwan na sa kanya ang mga gagawin.

Bago pa ako makalayo kay Khazimier ay may lalakeng nakakuha ng aking atensyon.

Ang kanyang amoy ay kapareha ng kay Mayari bago sya bumisita dito sa Sefylle. Hindi ko iyon makakalimutan, dahil sila ang naglibing sa katawang lupa nina Esme.

Tumigil ako sa paglakad palabas. At hinanap kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.

Sa pinakadulo ng silid na ito, ay may lalakeng nakatayo kasama ang mga paslit.

Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kanila para kumpirmahin ang hinala ko.

"The pretty lady is staring at us!"

Rinig kong bulungan ng mga batang kasama niya.

"Woah! She's coming here!"

Sabay-sabay na nagsipag takbuhan ang mga ito sa likod ng lalake. Na wari mo ay nagtatago sa isang nakakatakot na halimaw.

"May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong nito pagkatayo.

Sinipat ko ang kabuuhan niya. Sa pananamit pa lang, ay masasabi kong hindi ito isang Sefies.

Ng makumpirma ko ang hinila sa kanya ay tiningnan ko naman ang ulo ng isang bata na nakasilip sa binti nito.

"Kinumpirma ko lang ang hinala ko."

Sabi ko dito ng makitang agad nitong iniharang ang kanyang kamay para takpan ang mukha ng bata.

"May kailangan po ba kayo sa mga bata?"

Tanong nito ng makitang hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig ko sa mga paslit na nagsusuksukan sa kanyang likod.

"Kilala ko ang ina ng mga batang nagsisiksikan dyan sa likod mo." Pa-umpisa ko. "Bilang pasasalamat ko sa kanya. Bakit hindi kayo sumama sa akin?"

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon