shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 18
(untitled)
Nagbabantay sa may labas ng truck ang mag-ina. Halos hindi maramdaman ni Raf, ang Third Elder, ang dalawa na nasa loob. Kita niyang nababalot ng kakaibang aura ang loob at labas ng truck. Kaya kahit gamitin niya ang kanyang heightened sense, ay wala pa rin siyang makita.
"Anak? Tingin mo nagtagumpay silang iligtas ang bunsong anak ni Gilbert, pati na ang kanyang apo?" Tanong ng ginang sa anak.
"Alam mo naman Ma ang kakayahan ng mga Prinsesa ng Ag-tōng. Hindi lamang ang kakayahang makita ang nakaraan at hinaharap ang kaya nilang gawin. Isang malakas na diwata ang kanilang ina." Sagot ni Raf sa nag-aalalang ina.
"Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala. Dahil sa sinabi nung manggagamot na natagpuan natin sa Zviezer Mountains. Kung mgigising man ang isa sa kanila. Isa lamang ang mabubuhay sa mag-ina." Nag-aalalang pahayag nito.
Nilapitan ni Raf ang ina upang pakalmahin. Halos isang oras na rin ng pumasok sa loob si Mayari. Gusto man niyang isipin na ayos lang ang lahat. Pero wala siyang maramdamang kahit anong galaw na nangyayari sa loob.
Zzrt. Zzrt. Zrt.
Tumunog ang walkie talkie na hawak ni Raf. Ito ang gagamitin nilang komunikasyon sa mga dalagang nasa loob ng Security Room.
"Ace. (Zrk.) Over." Tawag sa kabilang linya.
"Tres. Come in."
"May nakikita po kaming malaking heat movement sa loob ng truck. Over."
"Ilang tao ang nakikita mo? Over."
"Hindi mabasa ng system kung ilan sila. Over. Pero may kaka-ibang heat source ang humaharang sa reading."
"Salamat, Ace." Sinenyasan ko si mama na lumayo sa truck. At pinalabas ko ang chains sa aking dalawang palad. Mas maigi ng handa kesa sa hindi.
Bumukas ang truck at nilabas nito ang mga taong hindi ko inaasahang makikitang muli.
Nang makababa ay nagsiyukuan sila sa akin.
"Kinagagalak ka naming makitang muli, Third Elder." Pagbati ng isang taong kilalang-kilala ko.
Halos matumba ako sa aking kinatatayuan. Kahit kailan ay hindi ko inaasahan na makikita ko pa silang muli.
"D-dilan?" Tawag ko.
"Ako nga, Third Elder." Mahinahong sagot niya.
Agad akong lumapit at niyakap ang lalake. Nag-uumapaw ang damdamin ko sa aking nakikita ngayon. Yinakap ko silang apat isa-isa. Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!