CHAPTER 34

88 10 3
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you. ❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

❤️

----

Chapter 34

...

Mula sa malayo, kita ko ang gagawing pag-atake ni Avion mula sa himpapawid sa walang kamalay-malay na si Katey.

"KATEY!!!"

Doon lang natigil sa kanyang pagtakbo ang iyaking bata.

Sa kanyang paglingon, ay siya ring pasok ng anino sa kanyang katawan. Na tila hinihigop ito ng kung ano sa loob mismo ng kanyang katawan.

Nakita ko na lamang ang unti-unting pagbagsak ng katawan nito sa lupa. Habang ang papasugod na si Avion ay malapit ng sakmalin siya, gamit ang nakamamatay na tulis ng kanyang mga kuko.

Mabilis akong nakalapit kay Katey. Hindi ko na nagawa pang saluhin ang katawan nito na pabagsak na sa lupa. Sa halip, ay nagpalabas ako ng enerhiya mula sa aking mga kamay. Para pigilan ang magiging pag-atake ng nabiglang si Avion, dahil sa madilim at nakakakilabot na tantrums ni Katey.

Hindi ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan laban sa mga ganitong halimaw!

Bakit kasi ang hilig ni Mel mag-alaga ng mga mana-eating monsters?! Type S pa naman ito at higit pa sa tatlong digits ang Power-Up.

Hindi ko matatalo si Avion gamit ang aking kapangyarihan. Kailangan kong pakalmahin ang nagulat na halimaw!

"Avion?!" Tawag ko dito.

Pero mas pinatalas lamang nito ang kanyang mga kuko sa paa. Para mas makalapit sa amin ni Katey.

"Maghunos-dili ka!" Sa pagsigaw kong iyon ay siya ring pagsara ng malaking pintuan ng Magical Mansion, pati na rin ang mga bintana nito.

"Ayaw kong saktan ka! Mahirap pa naman kayong magpatawad!" Paki-usap ko dito.

Pero mukhang hindi naging maganda ang dating ng aking mga sinasabi sa nagngangalit na halimaw.

Ang enerhiyang ginamit ko, para protektahan ang aming mga sarili sa pag-atakeng ito ni Avion ay unti-unti ng binabasag ng sariling lakas at pwersa nito.

Kung hindi lang sana restricted ang karamihan ng aking mga skills. Ay baka napakalma ko na kanina ang nagwawalang halimaw!

Wala pa akong masyadong kaalaman pagdating sa paggamit ng ilan sa aking kapangyarihan. Maalam lang ako sa mga spells. At mas saulado ko ang Taming Magic dahil sa hilig kong mag-alaga ng mga hayop.

Kung nakinig lang sana ako kay La na umpisahan ang pag-ensayo para sa mainam na pagkontrol ng mana. Baka ngayon, ay hindi ako nahihirapan sa ginagawang pag-atake nitong si Avion.

Nakita ko ang pagkabasag ng enerhiyang pinalabas ko. At halos matusok na ng isang kuko ni Avion ang aking noo.

Mula sa aking kanang kamay, ay may naramdaman akong pagkirot sa isa sa aking mga daliri.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon