***
Ilang araw na ang nakalipas simula ng magpakita sina Danaya at Ami kay Haliya. Naiwan si Mel para makasama niya rito sa Sefylle. Ito ang unang pagkakataon na siya'y nakalabas sa Gods Realm.
Sa tulong ni Arthur, ay nakahanap sila ng pansamantalang matutuluyan sa Ele-ōre. At sa maikling panahong iyon, ay itinuro nya kay Esmeralda ang mga dapat nitong matutunan tungkol sa kanyang kapangyarihan.
"Esme, natutuwa ako na mabilis mong natutunan ang lahat ng tungkol sa mga Araíck Spells. Nakikita kong hindi magtatagal, ay kabisado mo na rin ang Meheirl Chant." Sabi ni Haliya matapos makita ang tatlong malalaking magic circle na nasa itaas ng kanilang bahay.
Sa mga nakalipas na araw ay itinuro ni Haliya kay Esme ang tungkol sa mga nalalaman nya sa Sefylle. Kasama na rin doon ang iba't-ibang kakayahan ng mga Sefies. Pangkaraniwan na ang pagkakaroon ng skills ng bawat indibidwal na syang nakukuha nila sa kanilang kapanganakan.
Habang ang iba ay namamana sa kanilang mga magulang ang pambihirang lakas, bilis ng takbo at iba pa. Bibihira sa mga Sefies ang pagkakaroon ng kapangyarihan. Kahit na ang iba ay may malakas na mana. Hindi matutumbasan ng kanilang mana ang lakas ng kapangyarihan na mayroon ang lahat ng kadugo ni Haliya.
"Sa mga susunod na araw ay kailangan ko ng umalis." Pamama-alam ni Haliya kay Esme.
"La Haliya, hindi mo iyon kailangang gawin." Pagpipigil ni Esme sa kanya.
"Alam mo kung gaano kahalaga para sa akin ang gagawin ko Esme." Umpisa nito. "Labis-labis na kalapastanganan ang kanilang ginawa sa aking mga anak. Alam mong naiintindihan mo rin ako, Esme." Pahayag ni Haliya. "Ilang beses ka na rin nilang kinanti."
Agad nalungkot si Esme sa narinig na sinabi ng ka-usap. Kahit siya ay gusto ring mabigyan ng hustisya ang mga nangyari sa kanyang pamilya.
"Kaya kailangan nyong magpalakas ni Bert, Esme. Hindi magtatagal ay isisilang mo ulit si Cindy at ang bago nyong anak. Ngunit, hanggang sa hindi pa nakababalik si Gale rito, ay sasamahan ko kayo. May nahanap na si Mel na lugar na pwede nyong pagtaguan habang nagpapalakas. At hindi rin magtatagal ay isang dating kaibigan ang muling makakasama nyo."
"Maraming salamat La Haliya." Kahit nahihiwagaan sa kanyang naririnig, ay mas pinili na lamang ni Esme ang manahimik.
"Iiwanan ko rin si Mel sa inyo. Hindi ko sya maaaring isama sa mga lakad ko. Masyadong delikado para sa isang paslit. Kahit isa sya sa mga dyosa ng Sefylle, wala akong tiwala sa kakayahan nyang ipagtangggol ang sarili." Dagdag ni Haliya.
"La Haliya, matanong ko lang. Gaano na ba katanda si Mel?" Usisa ni Esme sa kanya.
"Hmm. Sabihin nating kasing edad sya ni Gale. Pero ang kanyang pangangatwiran at galaw ay matutulad kay Mik-Mik. Meron syang kakambal, pero napakalaki ng pinag-kaiba ng dalawa. Ang nakakatanda nyang kapatid ay kaya ng makipagsabayan kina Danaya sa laki at lakas." Paliwanag ni Haliya. "Nakita mo naman kung paano tratuhin ni Ami ang paslit. Mabuti na lamang at hindi ganoon si Danaya sa kanya. Kaya mas mabuting mamalagi ng matagal si Mel dito sa inyo."
Naaalala nya nga ang mga nangyari sa nagdaang gabing iyon! Lubos syang naaawa sa bata. Naaalala niya ang sinapit na pang-bubully ni Kat-Kat dahil sa baliw niyang ina noong nasa elementarya ito. Simula noon, hindi na pumasok pa sa eskwela si Kat-Kat. Nag-aral na lamang ito sa bahay sa tulong naming mag-asawa.
Napatingin ako sa dalawang bata na ngayo'y masayang nanonood ng mga ibon at beast na nakikita nila sa himpapawid. Patuloy sa pagbanggit ng salitang 'wow' si Mik-Mik na ngayo'y ginagaya ng batang dyosa.
"Akong bahala La Haliya kay Mel. Makaka-asa ka sa aming dalawa ni Bert." Magalang na sagot ni Esme kay Haliya.
Samantala...
50 meters away from Esme and Haliya...
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!