shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 19
(untitled)
"Buong bayan ay nagulo sa nasabing pagsabog ng isang warehouse. Buong medya ay gumawa ng kanilang haka-haka sa naging dahilan ng pagsabog na ito. Yun ay dahil ang isang kilalang pulitika na nadidiin sa samu't saring mga kriminal na kaso, ay siyang naging biktima ng naturang insidente.""Ang hepe ng pulis sa nasabing bayan ay siya na ngayong pinagpapaliwanag ng PNP dahil sa inilabas na CCTV footage bago ang pagsabog sa pribadong warehouse na ikinamatay ng limampung katao. Kabilang na dito ang isang kilalang negosyante na siyang malaking benefactor ng mga bahay-ampunan sa probinsya."
Agad pinatay ng secretary ni Raf ang TV matapos marinig ang mainit na balita sa umagang ito.
Sama-samang nag-agahan ang mga Elder, na siyang malimit mangyari. Dahil sa dami ng kanilang mga trabaho.
"Mukhang uma-ayon ang lahat sa ating plano." Natutuwang hayag ng kasama niyang Elder sa hapag kainan.
"Mas maiging panoorin natin ang magiging hakbang nila sa problemang to." Sumimsim sa kanyang kape ang Second Elder.
"Na-ihanda ko na ang mga kakailanganin nating papeles at ebidensya sa susunod nating hakbang." Sabi ni Raf sa mga kasama.
---
Samantala, hindi alam ng tatlo na sila'y pinapanood nina Mayari at Selma sa mahiwagang salamin.
"Gawin mong isang malaking halimbawa ang ginagawa ng tatlong matandang lobo sa iyong pagpa-plano." Turo ni Mayari sa kasamang bata.
"Hindi kasama ang pagsuko at pagkatalo sa kanilang bawat hakbang." Dagdag pa nito.
Habang masunuring nanonood lamang ang Prinsesa ng Magical Mansion sa mga susunod na mangyayari.
---Nagkaroon ng urgent meeting ang mga Hunter dahil sa nabulilyasong operasyon nila kagabi. Ang source na nagturo ng nasabing lugar ay hindi na nila mahanap. Kaya tinitingnan ng kanilang mga lider ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang traydor sa kanilang grupo.
"Hindi biro sa hanay natin ang mawalan ng higit tatlumpung magagaling na Hunter. Dahil lang sa isang operasyon na kayang gawin ng sampung katao!" Pahayag ng isa sa kanila.
"At mas nagpalala pa itong CCTV footage ng anak niyo kagabi! Alam ng mga tao dito sa loob na hindi ganun kadaling kalaban si Kongresman Arturo. Pero bakit niyo kina-away ang malaking pulitikong yun? Dahil lang sa haka-haka? Na akala niyong may kinalaman siya sa pagkamatay ng dating tagapag-mana nitong organisasyon?!" Galit na pahayag ng isa pang hunter na kabilang sa hanay ng mga oposisyon.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!