shiehitsYu Tales
This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental. And any toxic opinions are out of the question. Thank you.
A/N:
Wag kalimutan!
👇👇👇
ADD. VOTE. SHARE. FOLLOW.
Gale Reincarnate to social media platforms, as it may help the story receive recognition it deserves. This means a lot to me. Thank you.
Happy Reading!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 46
Haliya's POV
Nalulungkot kong pinagmamasdan sa malayo ang tahimik na pag-uusap nina Gale at Kat-Kat. Kahit malayo man ang dalawa, ay may ideya ako kung patungkol saan ang pinag-uusapan nila.
"Hanggang ngayon ba ay nag-aalala ka pa rin sa mga bata?"
Seryoso kong hinarap si Mayari. "Hindi mo mawawala sa akin ang mag-alala. Lalo na sa mga nalaman natin."
"Nalaman kung paano nagagawang talunin ng mga kalaban ang ating mga tagapag-mana?" Putol ni Mayari sa mga sasabihin ko.
Natigilan ako at pinili ko na lang manahimik at pakinggan ang mga sasabihin niya.
"Huwag kang mag-alala. Magtiwala ka sa mga bata. At sa mga taong nakapaligid sa kanila." Pagpapalubag loob na sabi nito. "Sa daming beses ba naman niyang natalo. Imposibleng hindi pa si Gale nadadala."
Napasinghap ako sa mga narinig na sinabi ni Mayari. Hindi ako makapaniwala na kaya niya iyong sabihin!
"Sa lahat ng mga nakita't nalaman mo. Yan talaga ang sasabihin mo?" Tanong ko.
"Aba, syempre!" Malakas na loob na sabi nito habang nakangisi. Habang ako ay natatameme na lamang sa mga binibitawan niyang salita. "Magtiwala ka na lang sa dugong nananalaytay sa kanila." Napatigil ito bago sumeryoso ang kanyang mukha matapos sabihin iyon. "Kailanman ay hindi pa nagkamali sa atin noon si Ina. At kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang hula niya sayo." Tumingin sa akin si Mayari bago nagpatuloy. "Tandaan mo. Hindi pa tapos mangyari ang ilan sa mga hula niya."
Napa-isip naman ako sa huling sinabi niya. Anong hula ba ang sinasabi nitong kakambal ko?
"Hmm. Mukhang nakalimot ka na yata Haliya."
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang inaalala sa isip ko kung ano nga ba ang hulang sinasabi niya.
"Bakit hindi na lang natin hanapin ang babaylan na noo'y nag-alay ng katapatan sayo? Minsan ko na rin siyang nakita noon sa Pilipinas habang hinahanap ko ang mga anak mo. Hindi malayong malapit lang siya sa atin."
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Ibig mong sabihin ay buhay pa ang aking abay?" Gulat kong tanong.
May pagtataka namang humarap sa akin si Mayari bago ako nito sinagot.
"Nakakagulat ka naman yata kapatid." Umpisa niya. "Nagmahal ka lamang noon ng taong taga-labas. Pero hindi kasama doon ang paglimot mo sa mga taong naiwan mo."
Inalala ko ang mga panahong kasama pa namin noon si Ina. At kung paano kami pinalaki kasama si Ama. Mayroong isang batang babae na binigay sa akin si Ama. Para maging abay ko sa aking ika-pitong kaarawan noon.
"Si Agto." Bigkas ko sa kanyang pangalan.
"Mabuti't hindi mo sya nakalimutan."
Napangiti ako kay Mayari. Dahil napaalala niya sa akin ang panahon ng aming kabataan.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!