shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
---
Chapter 20
The One's Left Behind
Three months had passed after that tragic night. Hindi pa rin uma-abante ang kaso ng pagkamatay ng kanyang ama at ni Guazon dahil sa kakulangan ng imbestigasyon.Kapag may nahahanap silang lead ay nauunahan naman sila ng kalabang sindikato. Hindi na rin nila nahanap ang viral na 'supergirl' na gumawa ng live stream sa labas ng compound ni Guazon. Pati na rin ang nawawalang secret child nito.
Hindi sila makahingi ng kongkretong salaysay sa naiwang yaya ng bata. Dahil na rin sa hindi pagkatugma-tugma ng mga sinasabi nito, noong gabing iyon. Parang nawala na lang kasi sa matanda ang pagkakakilanlan nito sa dating alaga.
At higit sa lahat, hindi nakatulong ang pag-trending nina Jake nitong mga nakaraang buwan. Hindi kami makagalaw ng maayos. Dahil na rin sa mga sibilyan na gumawa ng mga fan base sa kanilang lima. Limitado ang aming mga galaw, na tiyak akong sinasamantala ng aming kalaban.
"Corpuz?"
Napadako ang tingin ko sa boses na tumawag sa pangalan ko.
"Ang lalim ng ini-isip mo. Pinag-uusapan namin ngayon nina Jaybee ang operasyon na gagawin namin sa tatlo pang natitirang sindikato." Sabi ni Nina sa akin.
"Mas maigi ng sila Jake ang sumugod sa warehouse ng mga yun. Tutal ay hindi nila nagagawa ang mangalap ng ebidensya. Dahil na rin sa trending sila sa social media. At mainit ang mata ng mga tao sa kanila." Paliwanag niya.
"Gusto kong makahabol sa susunod na linggo itong mga ebidensya na makukuha natin mamayang gabi. Naglagay ng mga espiya ang sindikato sa kapulisan. Kaya kahit ang mga tao ko sa taas ay nahihirapan gumalaw, dahil sa hindi kilalang kalaban. Alam niyo naman ang nangyari sa pamilya nina General Diaz, di ba? Kaya kailangang mag-ingat tayo." Sabi ko sa mga kasama ko sa loob.
Hindi nakasama sa meeting na ito ang lima. Dahil sa nangyari nitong nakaraang buwan. Parating hinahanap ng OIC sa headquarters sina Jake. Baliw na baliw kasi doon ang mga anak na babae at barkada nito sa lima.
"Relay our covert mission to everyone. Masyadong mahaba na ang nauubos kong oras sa kasong to." Matapos sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag sa kanila.
Hindi ako makalabas ng bahay dahil na rin sa mga medya at pulis na nakabantay sa labas. Mailabas ko lang talaga ang mga pangalan ng tatlong Big Bosses ng sindikatong yun! Batas ng tao na ang bahala sa kanila.
---
Hinintay kong mag-dilim ang paligid, bago palihim na tinakasan ang mga pulis na naka-gwardiya sa akin ngayon. Katatapos lang ng hearing ko sa senado. Kapag wala kaming na-ilabas na mabigat na ebidensya laban kay Arturo. Mababasura ang lahat ng pinaghirapan ko. Pati na rin ang pagkamatay ng mga kasama kong Hunter at ni Daddy.
Nang makalabas sa subdivision ng pansamantala kong tinitirhan na bahay. Naglakad pa ako ng mahigit 15 mminuto. Bago ko nakita ang sasakyan nila Jake. Sila ang makakasama ko sa paglusob sa dalawang malaking warehouse.
"Hepe! Kay tagal ka naming hinintay!" Pagbibiro ni Jake.
"Wag niyo na lang pansinin ang isang to, Chairman. Nahahawa na sa mga fangirls niya. Kaya siya ganyan." Singit ni Dan.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!