CHAPTER 40

85 7 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.

And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

❤️

A/N:
ADD. VOTE. SHARE.
Gale Reincarnate in Wattpad!

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

Chapter 40

(GEMINI - PART I)

"Ilang linggo na rin ang nakalipas, mahal kong kapatid. Ligtas ang naging panganganak ni Esme sa kambal." Nilingon ko si Haliya na ilang araw ng wala sa sarili. "Ngunit bakit tila aligaga ka nitong mga nakaraang araw?"

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko."

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Kita ang pag-aalala sa kanyang mukha bago ito sumagot.

"Tatlong araw na ang nakakalipas. Mula noong nanaginip ako patungkol sa isa sa aking mga anak na maagang namayapa."

"Haliya, mahal kong kapatid. Napaka-imposible naman kung mangyayari iyon." Sagot ko ng may pangamba.

"Alam ko. Maging ako ay nagulat din ng magkaroon akong muli ng pangitain."

Mula sa kanyang pagkaka-upo ay tumayo ito at naglakad papalapit sa bintana ng kanyang kwarto.

"Noong araw ng mamatay ako. At nagising sa Sibawati bago napadpad dito sa Sefylle. Alam kong nawala na sa akin ang kakayahang makakita ng pangitain."

"Na siyang tunay dahil nauunawaan kong ako na lamang sa ating magkakapatid ang natitirang may kapangyarihan. Na pinamana sa atin ng ating ina." Singit ko sa mga sinasabi niya.

"Tama ka."

"Nakakapagtakang nangyayari ito ngayon sa iyo."

Nanahimik kaming dalawa. Nakakapagtaka lang na tila bumabalik ang kakayahan ni Haliya sa kanya.

Bakit ngayon pa na ilang siglo na ang nakalipas, matapos ang kanyang kamatayan?

"Naka-usap mo na ba si Gao patungkol dito?" Mungkahi ko sa kanya patungkol sa isang nilalang, na alam kong may ma-itutulong sa kanya.

"Naka-usap ko na siya. Sa unang araw ng magkaroon ako ng pangitain." Sagot nito.

"May ibinigay na ba siyang sagot patungkol sa kalagayan mo?" Agad kong tanong.

"Nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya."

"So, may nakuha ka bang sagot sa kanya?" Pag-usisa ko.

"Gemini."

"Ha?"

"Gemini." Ulit niya sa kanyang sinabi.

"Anong ibig sabihin nun?" Takang tanong ko.

"May kinalaman sa 'gemini' ang pagkakaroon ko ng pangitain."

"Nakaka-overwhelm, mahal kong kapatid, ang naririnig kong sagot mula sa'yo." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko talaga nakaka-usap ng maayos itong si Haliya. Lalo na at masyadong malalim ang ini-isip niya nitong mga nagdaang-araw.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon