shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.
This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you.
❤️
Happy Reading!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
Chapter 37
Nakatulog ako na parang hinihele ng isang magaan na awitin. Habang nililipad sa himpapawid ang sinasakyan naming hot air balloon. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganitong ginhawa sa pagtulog. Simula noong namulat ako sa hirap ng buhay mula pagkabata.
Ang gaan sa pakiramdam. Na parang yung bigat na meron ako sa aking katawan, ay biglang nawala.
---
--Wow! Ang ganda!--
--Oo nga!--
--Mabuti na lang at nakasama tayo dito.--
--Sinabi mo pa!--
Nagising ako sa ingay ng mga elf na kasama namin. Sinubukan kong bumangon, pero may biglang humila sa akin pabalik sa pagkakasandal ng katawan ko. Doon lang pumasok sa isipan ko, ang isinuot kong maraming seatbelt kanina.
Hinawakan ko ang mga ito, at doon ko lang napansin ang bigat sa pakiramdam nito sa aking dibdib.
"Gising ka na pala."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.
Nakita ko sa gitna ng basket ang isang lamesa kung saan nakaupo si Reyna Mayari, habang umiinom ng tsaa.
"Pwede mo ng tanggalin ang mga 'yan. Nasa Sefylle na tayo."
Sa sinabi niyang iyon, ay agad akong napatingala sa taas. Doon ko lang nakita ang iba-ibang kulay ng ulap sa langit. Merong pink, violet at blue. Habang kapansin-pansin ang kulay dilaw na gumagalaw na liwanag sa langit. Parang katulad ito ng aurora borealis na kalimitang makikita sa North Pole.
Dahil sa mangha, ay mabilis kong natanggal ang maraming buckles sa seatbelt. Saka ako dahan-dahang lumapit sa may gilid para panoorin ng malapitan ang pagsayaw ng liwanag na ito sa langit.
"Ito na ba ang Sefylle?" Bulong kong tanong.
"Gising ka na pala, Nina!"
Naramdaman kong may tumalon sa aking balikat. Si Mei ata ito. Pero hindi ko na nilingon pa ang kasama nitong umupo rin sa kabilang balikat ko.
"Ang dilaw na liwanag na sumasayaw sa langit ay senyales na papalabas na ang araw dito sa Ele-ōre Forest." Paliwanag ng elf na umupo sa may bandang kaliwa ko.
"Kaya naglilitawan na ang mga makukulay na ulap. Para batiin ang masiklab na araw ng Ele-ōre Forest." Dagdag nito.
"Paano mo alam ang mga ito?" Tanong ko sa kanya.
"Ilang beses na rin kasi akong inutusan ng mahal na reyna na magpabalik-balik dito. Marami na rin akong naka-usap na mga katutubong naninirahan sa tinatayong bayan ni Raj Haliya. Kaya marami-rami na rin ang alam ko." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!