You are special, Gale
Makalipas ang ilang sandali. Bumalik na ang mga inutusang lobo ni Alan. Dala-dala ng mga ito ang mahahalagang gamit ng buong ka-anak ni Kat-kat. Habang nagbibigay ng mga mensahe sa harapan ng museleo ang mga bata at ilang kabataang naging kaibigan ni Kat-kat sa unahan. Hinahanda naman ng mga kalalakihan ang paglalagyan ng huling hantungan ng buong pamilya.
"Dahil kay Ate Kulot, may mga bago na kaming laruan. Hindi man kami nakakalabas dito sa gubat dahil sa banta ng mga hunter at rouge vampires, nalaman namin sa kanya yung Pokemon. Pati yugi-oh card decks tsaka bey blade. Niregaluhan niya kami ng malaking TV na may Netflix. Kaya nakaka-nuod kami ng Stranger Things. Wala man kami sa syudad. Sabi niya, mas in pa rin kami." Sabi sa unahan ng isang batang lalake habang pinupunasan ang mga patak ng luhang tumatakas sa kanyang mga mata. Nanatili pa itong nakatayo sa may unahan, tsaka inilagay isa-isa ang hawak na bulaklak sa tabi ng mga naka-himlay.
Pumunta sa unahan ang isang batang naka-pink na bestidang may hello kitty print sa kabuuan.
"Salamat Ate Kat-kat, kasi hindi lang toys ang meron kami. Meron ding chibi dolls collection pag bumibisita ka dito sa amin. Minsan may dala kang JCO o kaya Krispy Kreme donuts. Syempre, di nawawala yung mga kpop merchandise na binibili mo. Lalung-lalu na yung sa Twice. Maraming thank you talaga, ate." Umatungal ang bata ng iyak habang naglalagay ng mga bulaklak sa mga labi ng apat.
Maraming bata at mga dalaga ang nagpasalamat kay Kat-kat sa unahan sa maraming bagay. Sumunod naman dito ang mga binata.
"Salamat Kulot, dahil kung minsan malakas ang trip namin. Okay pa rin tayo kinabukasan. Minsan ng napahamak ang bawat isa sa amin, pero parating nandun ka at naka-alalay sa amin. Kahit saang lupalop man kami ng gubat napupunta pag niyayaya ka namin ng taguan. Hinahanap mo pa rin kami. Kahit alam mong ginagawa namin yun para inisin ka, balewala lang yun para sayo. Salamat Kulot, kasi ang bait mong kaibigan sa aming lahat." Tahimik na umalis sa unahan at naglagay ng mga bulaklak ang binata sa mga labi.
Habang may isang binata naman ang pumasok sa loob ng museleo na may hawak-hawak na crutches para makalakad ng maayos. "Miguel! Hindi ka pa pwedeng gumalaw! Malala ang sugat na nakuha mo. Baka mabinat ka?" Nag-aalalang lumapit ang ina ng binata. Tumayo ang Beta ng pack at inalalayan ang anak. Tahimik naman ang lahat at sinusubaybayan ang mga mangyayari. Nang makarating sa harap ng puntod ng matalik na kaibigan, ay biglang umatungal na lamang ito ng iyak. Lahat ng binata na kanina'y tahimik lamang sa isang sulok ay isa-isang humikbi. Tumayo si Alan at nilapitan ang pamilya ng kanyang Beta na ngayo'y naka-alalay sa pamilya nito. Tinapik ang balikat ng kanyang Beta at pumunta sa unahan para sa huling salaysay.
"Alam niyong lahat kung gaano kalaki ang pasasalamat ko kay Tatay Berto. Dalawang dekada na ang nakakalipas, pero tandang-tanda ko pa rin. Kung hindi dahil sa tulong niya, malamang bawas na ang bilang natin ngayon. Hanga ako sa katapangan ni Tatay. Maraming tao ang tumitingala sa kanya dahil sa angkin niyang yaman. Ilang beses pinagtangkaan ang buhay niya dahil sa dami ng mga taong inggit sa kanya. Minsan ng in-ambush ang sinasakyan niyang sasakyan nung bumisita siya sa akin at nag-iwan ng mga papeles para daw sa kinabukasan ng buong pack. Alam mong may nakabuntot sayo nung mga oras na yun, pero pinuntahan mo pa rin kami. Tinulungan mo kami, ang lahing minsang tinalikuran ka dahil hindi tanggap sa atin ang mahihinang lobo."
May ilang nabigla sa isiniwalat ng kanilang Alpha. Ang tatay na kanilang pinagkaka-utangan ng loob ay siyang ka-uri pala nila.
"Dinala mo sa kompanya at binihisan ang ilan sa amin. Hindi man nila na-i-balik sayo ang kabutihang binigay mo nung mga panahong nangangailangan ka. Pero wala kaming narinig na kahit ano sayo. Tumutulong ka pa rin kahit walang-wala ka na."
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!