shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.
This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you.
Happy Reading!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
A/N
Pictures and descriptions for each character will be posted at my page, shiehitsYu Tales.
Do check it out!
❤️
https://www.facebook.com/shiehitsYu
----
Chapter 29
It has been days simula nung mapunta dito si Liit kasama ang ibang hunters. Hindi ko inaasahan na makikita ko silang lahat sa may garden nitong mansiyon. Nasa loob ng nakataob na sasakyan habang duguan ang dalawang bata. At isa na doon ang kapatid ko. Halos mamatay ako sa nakita ko. Kung hindi lang ako inalalayan ng chairman, ay baka iniwan ko ng mag-isa ang dalawa kong kapatid ng wala sa oras.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung magising si Liit. Pinakilala niya sa akin ang dalawang bata na tumulong sa kanyang tumakas sa mga lalakeng sumugod sa amin noong nakaraan. They were Iko and Ningning.
Si Iko ay 12 years old habang ang kapatid nitong si Ningning ay anim na taong gulang. Parehas ng ulila at hindi alam kung taga-saan ang kanilang mga magulang.
Katatapos ko pa lang tapusin ang ginagawa kong gamot gamit ang kaka-ibang mga halaman na narito sa Magical Mansion. Natapos ko na ring basahin ang chart ng magiging pasyente ko. Hindi ko pa siya nakikita ngayon dahil nasa ibaba ito kasama ang Reyna Mayari.
Sa ngayon ay nagpapahinga ako kasama sina Jepoy at Liit. Kasalukuyan silang naglalaro ng mga bagong dating na bata dito kahapon.
"Kapag natamaan kayo ng magic dust, out na kayo. Pula ang kulay na gamit natin ngayon. Kami nina Mik-Mik ang taya. Kaya kapag namantsahan ang mukha o damit ninyo. Hindi na kayo kasali sa laro." Sabi ng batang si Mel.
"Ang daya naman nun, Mel! Eh may powers kayong dalawa ni Mik-Mik. Ordinaryong tao lang naman kami nila Jepoy tsaka Ningning. Hindi kami ganon makakatakbo agad kapag pinalipad na ninyo yung bola." Dahilan ng bata na puno ng iba't-ibang kulay ang buong katawan.
"Eh kaya nga nagpagawa ako kay Neo nitong pangharang niyo. Para all is fair, Katey." Dahilan nito.
"Eh basta! Madaya pa rin yun. Parehas kayong may magic!"
"Eh may magic ka rin naman Katey, ah?!"
Natatawa na lamang ako habang pinanonood ang bangayan ng dalawa.
"Ehem!"
Agad akong napitingin sa likod ng may biglang tumikhim. Pagharap ko ay may nakita akong ubod ng gandang binatilyo. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong kagandang itsura sa tanang buhay ko!
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!