shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
◖⚆ᴥ⚆◗
----
Chapter 26
RIOT
"Stop your soldiers, Captain Herald." Maalumanay ngunit may diin na paalala na sabi ni Haliya.
Ang kapitan na tinawag ni Haliya ay ilang segundo ng hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan. Tila ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga narinig na salaysay ng isang Elven Leader.
Sa kanyang isipan, ay patuloy na nagpapa-ulit-ulit ang mga binitiwang salita ng hari sa kanila.
¡No hay forma de que el rey haga la vista gorda ante esto!
(There's no way that the king will turn a blind eye on this!)
Ofrecemos nuestras vidas por la paz de Sefylle.
(We offer our lives for the peace of Sefylle.)
El rey prometió proteger a la familia de todos los soldados.
(The king promised to protect every soldiers' family.)
¿A dónde fue esa promesa?
(Where did that promise go?)
Pumailanlang ang ingay na ginawa ni Haliya gamit ang kanyang mahika.
Kung kaya't napatigil sa pagkakagulo ang mga nag-aalalang mga sundalo sa loob ng silid. Habang ang ilan naman ay naglabasan ng kanilang mga itinagong sandata. Dahil dito, nagpakita ang mga nakatagong sundalo na ginawa ni Esmeralda gamit ang kanyang malakas na engkantasyon. Nagsulputan ang iba sa mga anino ng mga sundalo. Habang ang karamihan ay naglitawan sa unahan. Para protektahan sina Haliya, Esmeralda at ang iba pang mga Elven Leader at Council.
"Inuutusan kong huminahon ang mga sundalong Sefies. Walang maidudulot na maganda sa pagpupulong na ito ang inyong pag-aalala. At higit sa lahat." Masuring tumingin ito sa mga sundalo.
"Hindi ba't sinabi rin ng Elven Leader na nasa maayos na kalagayan na ang mga bagong biktima? Bakit kailangan niyo pang mag-alala sa isang bagay na malayo sa bingit ng kamatayan?" Tanong ni Haliya sa mga natahimik na sundalo.
"Tinitiyak kong ligtas ang lahat ng mga dinalang Sefies sa mga Healing Pixies. Sinisigurado kong higit pa, na mas malakas ang mga Healing Pixies. Kaysa mga kinikilala ninyong healer sa inyong kaharian." Patuloy ni Haliya.
Gayunpaman, hindi pa rin mapakali ang iba. Na siyang napansin ng mga Elven Tribe. Natural na sensitibo sa galaw ng enerhiya ng mga nilalang na nasa kanilang paligid ang mga ito. Nagdudulot ito ng kaguluhan sa kanilang pag-iisip. Dahil nakikita rin nila ang iniisip at damdamin ng mga Sefies.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!