shiehitsYu Tales
This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental.
The story is a fantasy. Any reality opinions are out of the question!
Enjoy!
***
CONSPIRACY CONTINUES
"
"Don't scare the kid too much. She's related to me." Napalingon ako sa babaeng kahawig ni Cindy.
"Magagawa niyo bang pagalingin ang aking anak?" Tanong ko. "Kahit wag na ako. Basta makita ko lang na maayos ang lagay ng aking anak. Dadalhin ko ang sumpang to. Hanggang sa aking huling hininga."
"Gusto ko ang nakikita kong lakas ng loob na mayroon ka, ginoo. Ako nga pala si Alan. Ang Alpha ng wolf pack na ito." Pagpapakilala sa akin ng lalake.
Nahihirapan man akong gumalaw. Ay maingat kong binuhat si Katey, at itinago sa loob ng jacket ko. Masyado ng malamig ang hangin ngayong gabi. At namamaos na rin siya kaka-iyak.
"Kinagagalak ko kayong makilala." Umpisa ko habang binabalanse ang pagkaka-luhod. "Dante ang pangalan ko. At isa akong reaper na tinatawag sa grupo ng mga Mozoids."
"Hmm. Totoo nga ang sinasabi ni Mayari." Sandali itong nag-isip at saka kami iniwan ng anak ko. Lumapit siya sa babaeng nagngangalang Mayari. At nag-usap ng masinsinan.
"Dadalhin namin kayo sa pansamantalang tutuluyan ninyo. Habang nandito kayo sa teritoryo namin. Pag-uusapan pa nina Mayari at ng Council kung ano ang gagawin namin sayo. Sa ngayon, sumunod kayo sa amin." Sabi ng isang lobo na kulay itim ang mga balahibo.
Nang makalabas kami ng bakuran ay may natanaw akong jeep wrangler na papunta sa direksyon namin.
"Dito kayo sasakay, papunta sa amin. Kailangan naming piringan ang mga mata niyo. At susundin niyo lahat ng sasabihin namin. Maliwanag?"
"Oo, masusunod." Mabilis kong sagot.
Madali nila kaming piniringan sa mga mata. Tinakpan ng kung ano ang aming ulo. Ng makasakay kami sa jeep wrangler. Agad kong niyakap si Katey palapit sa akin.
"Daddy? Where are we going? I'm scared daddy." Mahinang hikbi ng anak ko sa akin.
"Shh. Si daddy ang bahala sayo. For now, cover your ears." Sabi ko.
Matagal nagmaneho ang sinasakyan namin. Ilang pasikot-sikot at lubak na daan ang dinaanan namin. May naririnig akong busina ng mga sasakyan. Nagpatuloy ito ng mga ilang oras. Pansin ko ring nakatulog na ang aking anak sa sobrang pagod. Hindi rin nagtagal ay huminto rin ang sasakyan sa kung saan.
"Sige, baba na kayo." Sabi ng nagda-drive sa sasakyan.
"Tatanggalin na namin ang takip nyo sa ulo at mata." Sabi ng isa.
Halos masilaw ang mata ko sa liwanag ng paligid. Ilang minuto ang tinagal bago nakaoag-adjust ang mga mata ko.
"Welcome to your new home!" Sabi ng binatang nasa harapan ko ngayon.
"Pupunta dito si Mayari para tingnan ang bata. Kaka-usapin ka naman ng mga Council mamaya."
"Hindi porket dinala ka namin dito. May tiwala na kami sayo."
"Itong lugar na 'to na pnagdalhan namin sa inyo ay para sa mga kriminal."
"Magbabago lang ang lahat, depende sa mga gagawin mo. Kaya nakasalalay sayo ang buhay niyong dalawa."
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!