CHAPTER 23

89 15 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

Chapter 23

I was awaken by my sweet brother's voice.

I can hear him everyday pero hindi ko magawang maibukas ang mga mata ko. His stories amused me. Saying na nasa magical palace daw kami. He met a princess and was friends with the queen. He found new elf friends and they played everyday.

Hindi ko alam na active pa rin pala ang imagination niya. I thought nawala na yun ng mawala sila mommy. Pero ngayon, tingin ko he activated it again. Just to save himself from hurt.

I slowly open my eyes at agad nakita ang magandang disenyo ng chandelier sa may kisame. The lights are not so bright na hindi naman masakit sa mata ko. It have beautiful jewels na ngayon ko lang nakitang idinisenyo sa chandelier. Kahit iba-iba ang kulay nito. Hindi noon napapangit ang kabuuan ng disenyo.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. At doon ko lang napansin na may bagay na nakadikit sa kamay ko. Tiningnan ko ito agad at nagulat sa mga bulaklak na nasa paligid. Nasa gitna ako ng isang lake. And I can't believe my eyes!

Alam kong nakatulog ako ng mga tatlong araw. Hindi ko alam na nasa ibabaw ako ng tubig nakahiga. At hindi naman basa ang aking mga damit. Dahil mababaw naman ang tubig, sinubukan kong lumuhod para tingnan ang aking sarili. Kumuha ako ng tubig sa aking mga kamay at binasa ang aking blouse. Ramdam kong dumikit ang tubig sa mga balat ko. Pero hindi nito nabasa ang aking suot na damit. Manghang-mangha ako sa aking nasaksihan.

"Ate?"

Napalingon ako sa boses ng kapatid ko.

"Ate! Gising ka na!" Mabilis itong tumakbo sa akin at tumalon para yumakap.

"Miss na miss na kita ate. Ang tagal mong natulog." Sabi nito saka humigpit ang yakap sa akin. "Wag mong gayahin sina mommy at daddy, ha? Wag kang tumagal matulog." Umiiyak na sabi niya.

Nalungkot ako ng marinig iyon sa kanya. "Wag kang mag-alala. Hindi nakalimutan ni ate yung promise ko sayo." Hinarap ko siya sa akin para kausapin ito. "Di ba may promise tayo sa isa't-isa?"

Umiiyak naman na tumango-tango ito sa akin.

Tiningnan ko si Jepoy sa kanyang mga mata bago nagsalita.

"Nag-promise tayo sa isa't-isa na walang iwanan. Kaya hindi ka iiwan ni ate kahit anong mangyari." Nakangiti kong hinalikan ang iyaking kapatid sa noo. Saka mahigpit itong niyakap.

"Kaya wag ka ng umiyak, ha? Alam mo namang pumapangit ka kapag umiiyak ka, di ba?" Biro ko.

"Nnggh! Hindi ako pangit. Gwapo to!" Sagot niya habang nakabusangot na nakatingala ang mukha sa akin.

Ang cute talaga ng kapatid kong to!

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin si Lola Liit. Paniguradong nagwawala na yun dahil hindi siya makalapit sa akin. Sinuri ko ang buong paligid, pero walang Lola Liit akong nakita.

"Jepoy? Nasaan si Liit?" Tanong ko dito.

Agad naman itong yumuko at biglang natahimik.

"Jepoy? Nasaan si Liit?" Ulit ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon