CHAPTER 45

143 4 2
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental. And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

A/N:

I'm back!!! 

Writing Chapter 45 of Gale Reincarnate was like a roller coaster ride for me. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta niyo!

ADD. VOTE. SHARE. FOLLOW.

Gale Reincarnate to social media platforms, as it may help the story receive recognition it deserves. This means a lot to me.

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

---


Chapter 45


Raj Palace Conference Room

"Mukhang masyado kaming naging maluwag sa pagdidisiplina sa inyo. Kaya ganun na lamang karami ang mga reklamong natatanggap namin ni Mayari tungkol sa kakulitan ninyong mag-kakaibigan." Umpisa ni Haliya. "Ano itong mga nababasa kong reklamo sa'yo Kat-Kat galing sa Sil-Mier?"

"Ahh. Ano kasi yan La Haliya. Yung pag shopping ko. Nakita ko yung biological father ko." Paputul-putol na sabi ko.

"Kaya mo sinira ang Sil-Mier?"

"Hindi ko naman gusto sirain yung Sil-Mier." Depensa ko habang minamasahe ang namamanhid kong mga tuhod kakaluhod. "Ang kulit niya kasi, La Mayari."

"Pero hindi mo naman kailangan saktan ng ganun ang 'biological father' mo, Kat-Kat." Paliwanag ni La Haliya. "Ano na lang ang sasabihin namin kina Esmeralda kapag nakarating sa kanila ang balita patungkol sa ginawa mo sa bayan?"

Sabay hawak ni La Mayari sa isa sa mga dyaryong ang laman ay tungkol sa ginawa kong gulo. "Makakarating at makakarating kina Berto itong sulat kahit anong gawin mo." Sabi ni La Mayari matapos itong mawala ng parang abo sa kanyang mga kamay. "Inaasahan pa naman ng Lolo Tay mo na makaka-enroll ka sa isa sa mga academy dito, kasabay ng iyong mga kalaro."

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni La Mayari.

"Totoo ba yun, La Mayari? La Haliya?" Tanong ko habang pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Sigh. Naglakad si La Haliya papunta sa cabinet malapit sa lamesa nya. May kinuha itong scroll at sabay basa habang naglalakad palapit sa akin.

"Aetherium Academy - Rules of Admission. The aspiring student of Aetherium Academy should never, under any circumstances, be involved in any scandal or riot 30 days before admission."

"Na siyang nilabag mo sa unang tatlumpung araw ng kanilang patakaran." Singit ni La Mayari habang pinapatalim ang hawak na punyal.

Inilipat naman ni La Haliya sa kasunod na pahina ang kanyang hawak na scroll.

"Veridian Academy - Rules of Admission." Basa nito. "Students with violent behavior are not allowed to be enrolled in our school. As we teach honor, character, and values among our students."

"Na siyang ginawa mo sa Sil-Mier." Singit ni La Mayari. "Nung saktan mo ang 'biological father' mo dahil sa inis. Which is a violent behavior, by the way. At nasira mo ang properties ng mall - which violates honor, character, and values."

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon