CHAPTER 1

1.3K 63 0
                                    

To NEW Beginnings, with the family + 3

I cannot believe my eyes!!! My tan skin was gone! My dalagang Pilipina skin!! My most proud heritage was gone?!!!

"Ahhh!!!" Matinis kong sigaw sa harap ng salamin.

I heard footsteps hurriedly running to my place.

"Veronica! Are you okay?!" Tanong ng isang lalakeng maputing-maputi kaysa sa akin.

"Veronica!" Sabay pasok ng isang babae na I assume was his wife together with her was a 2 year old child.

Hinarap ko ang dalawa. And there, I saw my lolo tay's soul in a different body. I looked at his wife and saw La's soul.

"La? Lo?" Tanong ko sa kanila.

"Kat-kat?" Sabay nilang tanong.

I nodded my head continuously as an answer.

"How could this be?" Dahan-dahang lumapit sa akin si La na may pagtataka sa kaniyang mukha.

"It's because of La Mayari and La Haliya." Sagot ko sa tanong ni La.

"Paano mo nalaman ang mga pangalan na iyon?" Nagtatakang tanong niya sa akin. "I thought that the tradition will die down to your mother as to what had happened to her." Dagdag ni La.

"I'm glad you are here." Sabi ni lolo tay pagkalapit sa akin. "Welcome back! Apo?" Sabay kaming niyakap ni lolo tay ng mahigpit.

Maya-maya ay may humila sa laylayan ng aking blouse na siyang umagaw sa atensyon ko. Bumitaw ako ng yakap kina La at hinarap ang humihila sa damit ko.

"Ma-ma!"

Nanlaki ang aking mga mata pagkakita sa isang batang madungis na nagpapa-buhat sa akin.

"Eehh!!!"

"Apo? Siya si Mik-Mik. Anak ni Veronica. Na technically ay anak mo na rin." Mahinahong paliwanag sa akin ni La.

"EEEHHH!!"

"You heard your La. It is what it is." Dagdag ni lolo tay.

I unconsciously sat down tsaka binuhat ang batang maliit.

"Ma-ma!" Masayang sigaw nito, sabay halik sa aking magkabilaang pisngi.

"La? Lo?" Bulong ko sa kanila na may pagtatanong habang tinuturo ang batang buhat-buhat ko.

"Kumain muna tayo ng hapunan. Saka namin sayo sasabihin ang lahat." Paliwanag ni lolo tay.

"Tara? Kain na tayo?" Alok sa amin ni La.

Lumabas kami sa kwarto at dumiretso sa mahabang lamesa. May mga nakahain ng pagkain sa ibabaw nito. Kahit kaka-iba at bago sa aking paningin ang mga pagkain sa lamesa ay kumain ako kasama sila. Hindi man nalalayo ang lasa ng mga pagkain sa dati ko ng nakasanayan. Ngunit nakakapanibago lang talaga ang itsura nila.

"Kain lang, apo!" Alok sa akin ni lolo tay habang dinadagdagan ng mga pagkain ang pinggan ko. Magana namang kumakain ang batang 'technically' ay anak ko raw. Sabi nila.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon