CHAPTER 15

153 16 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 15

Council Meeting

Part 2


MAYARI's POV

I was standing comfortably in front of these wolves. Dalawang malaking lalake ang nakatayo sa magkabilaan ko. I can feel it. They both have a menacing look sa akin. Habang ang isa naman ay tumawa malapit sa inu-upuan ng tatlong lalake. Siguro ay nasa mga mid-40s ang mga ito. They both shows a dignified aura around them. Hmm. Those warnings really are a big help. Though mas maganda siguro kung napa-aga iyon. I was not given a time to clean and present myself beautifully.

I inhaled deeply bago ko tiningnan sa mata ang tatlong lobo sa harapan ko.

"Introduce yourself." Sabi ng isang babaeng nasa may bandang gilid ko. I see. She's the secretary of this meeting.

"Ako si Mayari. Ang Priestess ng Ag-tōng tribe." I looked at them with confidence. Those who had heard of my name had never lived a long life. Pitiful. If I never need of their assistance, death should befall on these people who had heard my name.

"Ag-tōng Tribe? Hmm. I heard a legend about that forsaken tribe. It was passed down in my generation. I wonder why?" Sagot ng lalakeng may magarbong mga singsing sa kanyang kamay.

I can see that this man is filthy rich. How rich can he be?

My thoughts was distracted by the secretary's voice.

"Mayari? Answer the question by the Third Elder, please."

Tanong niya yun? I thought he's just showing an impression sa akin? Well..

"Ano ang gusto mong malaman tungkol sa aking tribo?" Tanong ko.

I heard loud gasps everywhere inside this room. I saw at my peripheral vision how Alan reacted at my harmless question. These wolves sure are very sensitive.

"Ehem! Please answer the question politely. You do not have the right to raise your questions or any unnecessary opinions while the Elders are speaking to you." Paliwanag ng secretary. I saw how nervous she went habang nagpapaliwanag sa akin.

Bumalik ang tingin ko sa lalakeng unang nagsalita. I saw him waiting for an answer from me.

Ano naman ang isasagot ko sa malabong tanong na yun? Wala rin naman akong ideya kung anong alamat ang kumakalat tungkol sa tribong pinagmulan ko. Matapos naming magkahiwalay na magkapatid, wala na akong nabalitaan sa mga kasama ko.

Huminga ako ng malalim. At nag-isip ng sagot na hindi sila ma-iirita.

"Simula ng mahiwalay ako sa aking kapatid. Wala na akong nabalitaan sa kanila. Nang makatakas ako sa mga dayuhan. Nakuha naman ako ng sina-unang bampira at kinulong sa kanyang tahanan." Sagot ko.

"Ayon sa alamat, sinasabing dalawa kayong magkapatid. Hinanap mo ba siya ng makatakas ka sa bampira?" Tanong ng tinawag nilang Third Elder.

"Kalalaya ko lamang nitong nakaraang buwan. At sa paglabas ko. Naabutan ko na lamang na isa-isang pinapatay ng kung sinuman ang aking mga kadugo. Doon ko na lamang napagtanto, na matagal ng namaalam sa mundong ito ang aking kapatid."

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon