CHAPTER 12

153 18 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 12

ALAN'S POV

Nabighani ako sa kaka-ibang kulay ng mata ng bata. Nakamamangha rin ang kulay ng kanyang buhok.

"Mr.? Heal?" Tanong nito matapos gamutin ang batang Meyris.

Nahimigan ko ang di pangkaraniwang tono sa pagsasalita nito.

"Maayos lang ang lagay ko, munting binibini." Sagot ko.

"Okay!" Madali itong tumayo at tumakbo papunta sa camp kung saan nang-gagaling ang gulo.

"Bata! Delikado doon sa lugar na pupuntahan mo!" Paalala ko sa batang kumaripas na ang takbo palayo.

Gusto ko mang sundan ang bata, pero hindi ko kayang iwan ang tatlong Meyris na wala pang malay.

May naramdaman akong paparating na lobo malapit sa akin.

"Boss Alpha?"

Agad kong hinarap ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Deigo na hindi ko inaasahang makikita sa lugar na ito.

Agad itong lumuhod sa akin at tiningnan ang mga bata. "Inatake ng mga bampira ang ating teritoryo." Balita nito.

"Paanong nalaman nila ang ating lugar?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya.

Kalmado itong yumuko at binulong sa akin ang balitang hindi ko inaasahan.

"Diego, sinu-sino ang mga kasama mo?" Seryosong tanong ko.

"Nakasunod ang mga malalakas na Wolf Knights galing sa dalawang tribe ng Hidden Village. Naiwan naman ang mga taga-Curré Town sa ating pack territory para tumulong sa depensa." Sabi niya. "Nakasalubong ko ang isa sa mga pup na nagtangkang takasan ang aking hinandang pag-eensayo." Siguro ay sina Patrick ang tinutukoy nito.

"MIK-MIK! MAY BAGO TAYONG FRIENDS!"

Sabay kaming napalingon sa batang masayang  nagtatatakbo papunta sa camp.

"Diego!" Tumingin sa akin si Diego na parang naiintindihan ang gusto kong sabihin.

"Masusunod, Boss Alpha." Mabilis nitong hinabol ang bata. Pero sadyang matalas ang pakiramdam nito. Agad nitong hinarap si Deigo at lumuhod sa sariling mga paa.

"1. 2. 3!" Mabilis itong tumakbo sa pagitan ng hita ng aking malaking Guard Tribe. "GOAL! HAHAHA!"

Di makapaniwala ang aking striktong guard sa ginawa ng maliit. Sanay itong tinatakasan at pinagtataguan nina Miguel. Pero ang ginawa ng bata sa kanya ay hindi nito matanggap. Isa siyang guard na matapang na hinarap at tinakbuhan ng batang halos kasing laki lamang ng kanyang braso.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon