CHAPTER 42

57 2 0
                                    

---

shiehitsYu Tales

This is a work of fiction. Anything related to reality is purely coincidental.

And any toxic opinions are out of the question. Thank you.

❤️

A/N:
ADD. VOTE. SHARE.
Gale Reincarnate in Wattpad

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

---

Chapter 42

Fate connects us all...

Halos hindi ko lubos ma-isip na nahuli na naman kami. Parati na lang na-uunang makagalaw ang mga Mozoids laban sa amin.

Sinuri ko ang ang mga natirang kagamitan sa loob ng wasak na bahay. Kapansin-pansin na pinilit buksan ang mga pinto na narito. At may mga bakas rin dito ng panlalaban ng mga tamed beasts.

Wala na dito ang mga bata na kailangan sana naming dalhin pabalik sa Sefylle. Dalawa lamang ang ibig sabihin nito. Una, ay nakatakas ang mga ito, bago sila maabutan ng mga Mozoids. At ang panghuli, ay nagtagumpay nga ang mga Mozoids na madakip sila.

"Captain Herald!"

Hinintay kong makalapit sa akin ang kasama kong Knight Officer.

Sumaludo muna ito at nagbigay galang bago mag-report sa akin.

"Captain Herald. May nahuli kaming Mozoid na pilit tumakas sa mga kasama naming Knight Officers sa may kagubatan malapit dito. Sinusundan namin ang naiwang bakas ng mga batang tumakas dito sa bahay kanina lamang."

Nabuhayan ako ng loob ng marinig iyon.

"Kung ganon, ay puntahan na natin ang Mozoid. Bago pa nito subukang tumakas ulit at tangkaing magpakamatay para takasan na naman tayo."

"Masusunod, Captain Herald."

Agad kaming gumamit ng teleportation scroll para agad makapunta sa sinasabing lugar. Kung saan, siguradong nakagapos ngayon ang Mozoid.

Pagkarating namin ay kapansin-pansin ang pinsalang dinulot sa kagubatan dahil sa naganap na labanan dito. Sadyang napaka-duwag talagang lumaban ng mga Mozoids. Tatlong bata lamang ang kanilang hinahabol. Bakit kinailangan pa nilang gumamit ng makapangyarihang spell?

Hindi maganda ang kutob ko dito.

Agad kong nilapitan ang Mozoid na ngayo'y nakakulong sa prison circle na ginawa ng tatlo kong Knight Officers.

Ang dalawa sa kamay nito ay naputol. Kaya pala hindi nito nagawang magpakamatay para makatakas sa amin. At pansin ko din ang senyales ng mana depletion sa kanya.

Mukhang hindi na makakatagal ang isang ito.

"Tavern? Nakahanda na ba ang scroll na gagamitin natin, para sa interrogation?" Tanong ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon