CHAPTER 16

124 16 0
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question!

Enjoy!

◖⚆ᴥ⚆◗

---


Chapter 16

Idle Talk In the Magical Mansion

MAYARI's POV

"Lubos ang aking pasasalamat at taos puso mong tinulungan ang batang prinsesa." Pasasalamat ng butler na hindi ko alam ang pangalan. "Ako si Butler Sebas-tian. Ang nangangasiwa ng Magical Mansion." Ahh. Yun pala ang pangalan niya.

"Maari ko bang malaman ang pangalan ng taong nagligtas sa Mahal na Prinsesa?" Tanong nito uli.

"Mayari. Mayari ang tawag nila sa akin." Sagot ko.

"Ahh. Ang Priestess ng Ag-tōng Tribe. Kay haba na rin ng panahon ang lumipas. Nagka-anak pala ng malalakas ang kaibigan naming Tribe Leader." Dagdag ng butler.

Nagtataka ako sa aking narinig. Paaanong nalaman nito ang aking hanay sa mga anak ni ama? At paano niya nakilala si ama?

"Wala kayong dapat ipag-alala, Priestess Mayari. Isa lamang ito sa mga kakayahan ko. Lahat ng taong nakakasalamuha ko ay inilalabas sa aking mga mata ang totoo nilang pagkatao. At isa na doon ang inyong ina." Paliwanag niya. Mukhang nalaman nitong naguguluhan ang aking isipan.

"Butler Tian. Na-uuhaw na po ako." Napalingon kami kay Selma na ngayon ay pipikit-pikit na ang mga mata.

"Ipagkukuha ko kayo ng masarap na maiinom. Sandali lamang." Naglaho sa aming harapan ang butler.

"Binibining Mayari. Maaari mo na silang ilagay sa healing fountain. Kaya nitong gamutin ang anumang sugat ng sinumang nilalang." Mungkahi sa akin ni Selma.

Agad ko siyang sinunod at inilapag sa fountain ang apat. Naglabas ng usok ang fountain sa gitnang bahagi nito. At agad nitong pinalibutan ang katawan ng apat.

"Mas mapapabilis ang kanilang paggaling. Kaya hayaan na muna natin sila dyan." Sabi niya.

Umupo ako sa may tapat ng upuan ni Selma. Masyadong malawak ang sala na pinuntahan namin. Kaya ganun na lamang kalayo ang distansya niya sa akin.

"Nakikita kong may kapangyarihan ka. At kung gugustuhin mo. Pwede kang makalaya sa pagmamalupit ng iyong madrasta." Sabi ko sa kanya. "At alam kong mas malakas ka kesa sa iyong malupit na ina-inahan."

Lumungkot ang mukha ng bata. Saka seryoso akong tiningnan.

"Labag sa aming patakaran ang iminumungkahi mo. At kahit kelan, hindi ko magawang saktan ang taong nagpalaaki rin sa akin." Dagdag niya.

"Alam kong alam mo na pakitang tao lamang ang ginawa ng iyong ina-inahan. At nagpasalamat ka pa sa akin nung malaman mong pinatay ko siya. Kaya hindi ko maintindihan ang pagsasalungat ng iyong sagot." Sumeryoso pa lalo ang mukha ng bata sa mga sinabi ko.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon