CHAPTER 30

98 12 2
                                    

shiehitsYu Tales

This is a work of imagination. Anything related to reality is purely coincidental. So do not misinterpret everything.

This story is a fantasy genre. Any reality opinions are out of the question! Thank you. ❤️

Happy Reading!

◖⚆ᴥ⚆◗

----

A/N

Pictures and descriptions for each character will be posted at my page, shiehitsYu Tales.

Do check it out!

❤️

https://www.facebook.com/shiehitsYu

----

Chapter 30

Humawak kaming lahat kay Avion ng maigi. Sa bilis ng kanyang lipad ay nakahabol kami sa mga Finding Lights. Mula dito sa pwesto namin ay nakikita kong lumilipad pa rin sa iisang direksyon ang mga ito.

"Avion? Pwede mo ng bagalan ang paglipad mo!"

Sigaw ko para marinig niya dahil sa lakas ng hangin sa direksyon namin.

Kaagad namang huminto si Avion sa paglipad. Itiningala ang ulo saka pinagaspas ng malakas ang kanyang mga pakpak. At bilang sagot sa inutos ko ay humuni ito ng malakas.

Halos sabayan din ng sigaw ng mga kasama ko ang ginawang iyon ni Avion. Iyon ay dahil ang malakas na tinig ni Avion ay kayang makapinsala ng isipan. Para sa katulad kong deity ay hindi ito nakaka-apekto sa akin. Pati na rin ang mga taong may malakas na mana capacity.

"Uy bakit kayo sumisigaw?! Anong nangyayari?"

Takang napalingon ako kay Ningning dahil sa kanyang sinabi.

"Kailangan ko na rin bang sumigaw? Eto na! AAAAAAHH!"

Nilingon ko ang kapatid niyang si Iko, pero katulad din ito ni Ningning na hindi na-aapektuhan sa malakas na huni ni Avion.

May malakas na mana ang magkapatid na ito? Paano nangyari yun? Saan sila nanggaling?

Tumagal ng halos kalahating minuto ang ginawang paghuni ni Avion. Ng makuntento ay tumigil na ito na siyang ikinasiya ng mga batang lobo at ng magkapatid na sina Liit at Jepoy.

Nagpatuloy na ulit sa kanyang paglipad si Avion. Pero hindi na katulad kanina, na mabilis ang kanyang paglipad.

Agad nitong sinundan ang mga Finding Lights na hindi malayo sa amin.

"Ang sakit ng ulo ko."

Rinig kong reklamo ng mga lobo at ng dalawang magkapatid na naapektuhan sa ginawa ni Avion.

"Here!"

Inabutan ni Mik-Mik ng tig-iisang potion ang anim na nagrereklamo sa sakit ng ulo.

Gale ReincarnateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon