CONSEQUENCES
Gods' Realm
KAT-KAT / GALE's POV
C-can't breath
...
H-heh-ha
--
H-hhe-hha
--
C-can't breath
---
I heard murmurs around my surrounding. Can't make it into words, pero alam kong wala na ako sa bahay kasama si Mik-Mik.
"She's gaining consciousness."
I gathered all my strength to speak. Pero hindi ko magawang ibuka ang aking labi. Parang may kung anong bagay ang naka-takip sa aking bibig.
"S-sino k-ka?" Tanong ko sa aking isipan.
"Oh? She's strong for a starter."
"N-naririnig mo ang nasa isip ko?"
"You're getting the hang of it! Try...."
Biglang nawala ang boses na aking narinig. Nakaramdam ako ng matinding init na dumadapo sa aking mga balat. Nawalan ako ng pandinig dahil sa matinding sakit na dulot ng kung ano sa aking katawan.
"... breath to re-..... your...."
Sinubukan kong hanapin ulit ang boses na napakinggan ko.
"... r-relax ..."
Wala akong marinig! Ang malinaw na boses na gumising sa akin kanina ay pahina na ng pahina.
"...s-senses..."
Nakaramdam ako ng matinding takot at kaba dahil sa sitwasyon ko ngayon. "LA! LOLO TAY! NASAN KAYO!" Nag-aalalang tawag ko sa kanila.
"Relax."
Narinig ko ulit ang boses na iyon! Pero may kung anong humarang na hangin sa aking kaliwang tenga. ARAY! ANG SAKIT!!!
"...your.."
Huh?! Bakit nawala?
"..sens..."
May kung anong mainit na bagay ang dumapo sa aking noo. Hinawakan nito ang polseras na binigay sa akin ng Arthur ko.
"...."
Hindi ko maintindihan ng mabuti ang mga sinasabi ng nasa tabi ko. Nagpatuloy ito ng ilang sandali. Hanggang sa ang init sa aking balat ay hindi na masakit. Ang init na ito ay katulad ng sikat ng araw.
Huh?! Ano to? Ligtas na ko?!! Pinilit kong igalaw ang aking mga daliri sa kamay.
Hngh.
Nagawa ko naman pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Gawa ata siguro 'to ng pagkakahulog ko sa tubig.
"Aww!" There it is! There's a deafening pain on my ears. I hold them tightly with my two hands. Pero mali siguro ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa dalawang siko ko. "A-ah!" Gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa sakit na ginawa ng biglaang pag-galaw ko. Pero walang boses na lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Gale Reincarnate
FantasyREAD AT YOUR OWN RISK! Isinulat ang kwentong ito para lamang sa katuwaan ng manunulat. P.S. No harm writing!