"Girls, may nagpunta na group at gusto i-paclose ang bar sabi ni Manager" sinabi ni Hideo. Nagkatinginan naman sina Mai at Seki. "Pero, Kuya Hideo may mga customers na tayo bago pa sila dumating. Hindi naman tama na paalisin natin sila" paliwanag ni Seki. "Tama" sagot naman ni Mai. Nagpaliwanag din si Hideo "Ayun nga, pinaliwanag ni Sir Daichi pumayag yung group ng VIPs na hwag sila paalisin pero binayaran na nila yung dapat para sa mga padating na customer. Grabe ang yayaman". Namangha naman si Mai "Wow, halos katumbas non tatlong linggo natin sweldo. Mapapa-sana all ka na lang". Nag nod naman si Hideo at Seki.
Nakita ni Olivia na nag uusap usap ang tatlo kaya lumapit sya. Tinanong kung anong meron at pinaliwanag naman ni Mai. "Uhm, Kuya Hideo sino po ba mga VIPs natin ngayon gabi?" tanong ni Olivia. Napa facepalm naman si Hideo "Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Sabi ni Sir Daichi yung group daw ni Mr. Kiyota Nobunaga....". Noong marinig ni Seki ang sinabi ni Hideo nahulog nya ang tray na yakap nya sapagkat nabitawan n'ya ito.
Tumingin naman sa kanya ang tatlo "Seki, ayos ka lang ba?" tanong ni Olivia. Nagpakita naman si Seki ng alanganin ngiti "Oo. Binigla lang ako ni Kuya Hideo, kasi 'di ba mayaman ang mga Nobunaga at mga kasama nila sa company. Based sa news". Nag nod si Hideo "Tama si Seki kaya dapat maganda ang customer service ipakita natin dahil kapag may ginawa tayo na hindi nila magustuhan, pwede makasira ito sa image ng bar". "Hai!" sagot naman nina Mai, Seki at Olivia.Pumunta na sila sa station nila, sina Hideo at Mai ang nasa bar corner, si Olivia naman ay nasa malapit sa entrance. Samantala, habang papunta si Seki sa kitchen iniisip nya ang sinabi ni Hideo "Sana po, hindi kami magkita ni Kiyota. Hindi ko pa kaya" bulong na dasal n'ya.
In 20 minutes simula ng nag-usap usap sila, dumating na ang group nina Kiyota, nakita ni Seki kung paano sila inassist ng kaibigan at pina-upo sa designated area para sa kanila. Iniwas na nya ang tingin nya at nakahinga ng maluwag ng hindi nya nakita ang kanyang ex-boyfriend. Lingid sa kaalaman nya, while serving the table ng group ng girls huli pumasok ng bar si Kiyota, kasama sina Uozumi, Maki at Ikegami.As always, loud music na naman ang background ng bar. May live band din sila na magpeperform mamaya ito yung gusto ni Miss Airi na classy pa din ang ambiance. Pinapanuod ni Seki ang mga nagkakasayahan sa dance floor ng makita nya ang kaibigan n'yang si Olivia na hinaharass ng mga lalaki na pinag serve nya kanina. Kaya lumapit sya.
.
.
."Uy, Pare kung i-table kaya natin 'to"
"Eye candy pala mga waitress dito. Hahaha"Nakaramdam naman ng takot si Olivia "Sir... server lang po kami.. Hindi po pwede ang gusto nyo". Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki "Aba, sumasagot pala mga empleyado dito. Hindi mo ba alam na customer is always right?", hinawakan ng mas matangkad sa dalawa ang pala-pulsuan ni Olivia at inilapit sa kanya. Ito ang nadatnan ni Seki.. "Excuse me Sir, hindi po tama ang pagtrato nyo sa employee dito sa bar". Napatingin naman si Olivia kay Seki "Se..ki" mahina pagkakasabi n'ya. Ang mata naman ng isa na hindi humahawak kay Olivia ay tinignan si Seki mula ulo hanggang paa at nag lick pa ng lips, nakaramdam si Seki ng disgust at inirapan ang lalaki. Nainis naman ang lalaki sa ginawa nya at nilapitan sya "Babe, lalo ako na turn on sa pagpapa-kipot mo" hinawakan ng lalaki ang chin ni Seki at dahan dahan ilalapit ang labi nya. Hindi nakatiis si Seki at tinuhod ang pamana ng lalaki.
Nabitawan ng lalaki si Seki at napa-upo dahil sa sakit. Nagkatinginan sina Seki at Olivia nag nod si Seki kaya kinagat ni Olivia ang kamay ng lalaki na may hawak sa kanya "Aray!". Mabilis tumakbo si Olivia kung nasaan ang kaibigan at nagtago sa likod nito. "Oli, ayos ka lang ba?"tanong ni Seki. Nag nod lang si Olivia.
"Pa hard to get pa kayong dalawa" ngisi ng lalaki at lumapit kina Seki at Olivia. Tumingin si Seki kung nasaan ang mga bouncer at sinenyasan. Ang napauno na lalaki kanina ay tumayo at itinulak ang lamesa kaya natumba ito pati na din ang mga baso ay nabasag. Hinawakan muli ng lalaki ang chin ni Seki may mas pwersa ito kaya nakaramdam sya ng sakit. "Nasan ba sina Kuya Bouncer, ang tagal nila" bulong sa isip ni Seki. "Sir, tama na po 'yan nasasaktan na kaibigan ko" pag-awat ni Olivia. Itinulak ng lalaki si Olivia kaya mas lalong hindi nakapag-pigil si Seki at sinampal ang lalaki.
