Chapter 39

30 3 1
                                    

       Kinalabit ni Alisson ang kaibigan nya na agad na lumingon "Sekinari... tara pasyal muna tayo mukha matagal ba yung boyfie mo at yung friends nya eh" ayaw naman sumama ng kaibigan sapagkat nag aalala sya sa kasintahan "Pero si Baby... baka hanapin ako". Umiling si Alisson "Magsabi na lang tayo sa kaibigan nila... dito lang tayo mamasyal, besides ang tagal na ng huli tayo magkita ah, aminin", nag giggle si Seki sa sinabi ng kaibigan dahil umirap pa ito "Sige na nga", malakas na 'Yas!' ang winika ni Alisson. Nagpunta ang dalawa kung nasaan sina Maki "Uhm... Boys, mamasyal muna kami ni Allen ah... baka hanapin ako ni Kiyota-kun" wika ni Seki. Ngumiti naman ang mga ito "Sige.. sabihin na lang namin kay Kiyota, mukhang matagal pa sila mag laro dyan" saad ni Maki, nagpaabot ng pag iingat ang boys sa dalawang dalaga. Sinukbit muna ni Seki ang sling bag nya bago sila magsimula mamasyal ni Alisson.

"Kumusta naman ang buhay mo sa Kanagawa"
"Okay naman.. Nagtrabaho ako bilang waitress sa bar"

"Sa bar? Safe ka ba naman don ha?" nag aalala si Alisson para sa safety ng kaibigan
"Oo.. Beb, iba atang bar ang iniisip mo, descent bar naman ang pinagtrabahuhan ko, more on employees ng mga kumpanya ang clients namin, bar and resto ito"

(Nakahinga ng maluwag si Alisson sa nalaman)

      Nagpatuloy sa pamamasyal ang childhood bestfriends hanggang makarating sila sa isang bench, nagpasya sila maupo at magpatuloy sa pagkwentuhan "Len, Ikaw... saan ka nag work?" nahihiyang ngumiti si Alisson sa tanong ni Seki "Oh, bakit? Ganyan ka umasta..." sinabi nito na baka ma disappoint sa kanya ang kaibigan na tinutulan naman ito kaya nagpasya sya na magsalita "Nakahanap ng trabaho sa isang kumpanya, pero hindi rin natuloy", may pagkunot sa noo ni Seki sa sinabi ng kanyang kaibigan "Huh, bakit Beb?". Huminga ng malalim si Alisson "Kasi may nakuha na daw sila para sa inapplyan ko... Alam mo yon Beb, nakapag requirements na ako and all mag start na pero hindi eh... naudlot". Nalungkot naman si Seki sa nalaman, tinignan nya sa mata si Alisson,

"May backer yung pumalit sayo" realization ni Seki
"Hai... kaya tumutulong muna ako sa negosyo ni Mama at Papa"

"Hayaan mo Beb, naniniwala ako may mas deserve ka pa work opportunity"

      Sinabi ni Seki na ipagdarasal rin nya na makahanap agad ng trabaho ang kaibigan, masaya naman si Alisson na hindi pa rin nagbabago ang kababata at mabait pa rin ito lalo na sa kanya, ayaw lang nya ng malungkot na atmosphere na meron sila "Ay ano ba yan Beb, masyado malungkot" nagtawanan ang dalawa, maya maya may nakita si Allen na naglalako ng cotton candy "Uy, libre kita, hindi ba yan yung pampasaya natin kapag nahuhuli tayo ni Teacher nag cutting class" nag giggle si Seki "Haha oo si Masato-sensei, galit na galit, eh boring naman ang class nya" tawa pa rin ng tawa si Alisson "Shrue... Tsaka bihira lang naman sya magturo" ang tinutukoy nilang dalawa ay noong nasa huling taon sila ng elementary. Nagpaalam si Alisson saglit para puntahan ang naglalako ng cotton candy na katapat lang nila "Libre ko na Seki...", nagpaabot ng pasasalamat si Seki bago tuluyan makalayo ang kababata nya.

      Pinagmasdan ng dalaga ang mga aktibidades na nagaganap sa kanyang paligid, may grupo ng mga bata na nagpapalipad ng saranggola kahit na ilan minuto na lamang ay maggabi na maliwanag pa rin dulot ni haring araw, may ilang mga nagbibisikleta sa kalsada at nagtatampisaw sa dagat. Isa-isa inalala ni Seki mula sa kanyang isip ang mga kailangan gawin ng kasintahan at mga kaibigan nito "Sa tingin ko hindi nila matapos ang documentary sa deadline" sumagi rin sa kanyang isip ang mga dapat iprepara ng boys "Time consuming ang bawat interview" nag estimate sya ng sa kanyang palagay na kakaining oras "Mahina na ang 30 minutes na duration... additional 10 to 15 minutes" nasa ilalim ng kanyang baba ang kanang kamay, ang kaliwang kamay naman ang nakasuporta dito, mataimtim nyang iniisip ang mga dapat gawin napagdesisyonan nya na kausapin ang kasintahan upang paalalahanan na kailangan na nilang simulan ang documentary filming kahit kinabukasan na kaagad.

      Rinig ni Seki sa kanyang tagiliran ang pagtawa kaya naman nilingon nya ito "Len... kanina ka pa...." hindi nya natapos ang sasabihin ng ibang tao pala ang kanyang katabi na binigyan sya ng nakakalokong ngiti.

"Ano ginagawa magisa ng magandang binibini na katulad mo?"
"....."

"Oh... sobrang gulat mo sa pagdating ko hindi ka makapagsalita"

"Maaari ko ba malaman ang iyong pangalan?"

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon