Chapter 53

18 1 0
                                    

Nagkakamot ng tagiliran habang pababa ng hagdan ang kapatid ni Soichiro, may paghikab rin sya indikasyon na hindi sapat ang tulog para makabawi sa pagod na kinaharap ng nakaraan na araw. Langhap nya kaagad ang aroma na nag gagaling sa kusina, minabuti nyang sundan ang naamoy. Bumungad sa kanya ang dalaga na abala sa kusina, "Oli-chan... ano ginagawa mo?" pag usisa ni Fumiko na tinabihan kaagad ang nagluluto.


"Ay kalabaw..." pinatong ni Olivia ang kanan kamay sa dibdib sa pagkabigla, mabilis nya nilingon ang bumati sa kanya "Jusko, Fumiko nee ikaw pala yan... Ohayo". Tumawa si Fumiko sa reaksyon na natanggap "Geez... ganyan ka pala magulat Olivia.." nagpabatid din sya ng pagbati. Inakay ni Olivia ang nakatandang kapatid ni Soichiro at pinaupo muna sa hapag kainan, inalok nya rin ito ng maiinom


"Hai... black coffee para magising ka maiigi" nakangiting tugon ni Olivia
"Thank you... masarap talaga ang kape sa umaga"


(Nahuli ni Fumiko na nag snort ang kausap sa sinabi nya)


"Ay sorry... ano kasi... ala una imedya na ng hapon"


Nahihiyang tugon ni Olivia, ang huling sinabi nya ang nagdulot para tuluyan magising ang diwa ng kausap "What!!" napalakas na wika ni Fumiko at tinanong kung kumain na ba ang kaharap. May pag iling ang dalaga at sinabi na bago pa lang sya kakain ngayon araw "Nag biscuit naman ako kanina..." kimi nyang tugon. Pinangaralan ng nakakatanda ang kasama, pinagsabihan kung bakit hindi nito naisipan na kumain ng mas maaga "Mag over fasting ka nyan", nagpabatid muli ng pasasalamat ng matanggap ang mainit na kape.


"Um... ano kasi Fumiko-nee... wala ng stock sa pantry kaya namalengke pa ako kanina"
"Sarili mong pera pinangbili mo?" pag tanong ni Fumiko



"..." nag nod lang si Olivia bilang tugon
"Ay sana sinabi mo sa kapatid ko... bahay nya naman ito" napailing na wika ni Fumiko



 Napakagat labi ang dalaga, pinilit naman sya ng nakatatanda na magsabi ng nalalaman "...I tried to wake Soichi up... ano eh" napakamot pa sya ng pisngi "knock out... tulog na tulog" sumunod ay may alanganin sya tawa "Sabi nya hwag daw sya istorbohin sa tulog" bumulong pa si Olivia na 'eh masunurin ako'. Niyakap ng dalaga ang tray na hawak sa pagkabigla dali dali tumayo si Fumiko para umakyat ng hagdan. Tinagilid ni Olivia ang ulo hindi nya alam kung ano nangyari





BLAG


"Huh??"


 Naalimpungatan wika ni Soichiro, lilinga linga sa paligid at inaalam kung ano nangyari. Nang mapansin na wala naman kakaiba ay bumalik sya sa pagtulog. Nagkaroon naman ng tick mark si Fumiko sa kanyang noo, naka buo ang kamao. Mabilis nya nilapitan ang kama ng kapatid na binigyan nya ng malakas na sipa


"Fumiko nee? Ano problema mo?" kahit na iritable nangibabaw ang pagka antok sa boses ng binata
"Fumiko nee? Ano problema mo?" minimic ni Fumiko ang sinabi ng kapatid


"Pwede ba Soichiro bumangon ka dyan... Tantanan mo ako hah"



Mabilis na bumalikwas si Soichiro na kanina lang ay nakasalampak sa sahig, alam nya na kapag ganito ang tono ng boses ng kanyang ate ay kailangan nyang sumunod. Satisfied si Fumiko kaya nagsalita muli sya "Soichiro... bakit hinayaan mo magpalipas ng gutom si Olivia...", nakapamewang nyang pangarap. May pagkurap ng mata ang binata na kinairap ng nakakatandang Jin "Walang stock ang pantry mo... namalengke pa sya kanina... at ngayon lang kakain simula kanina umaga....".



Tumayo ng tuwid ang binata sa nalaman "Ano? Hindi pa kumakain si Cinnamon?" tinanong nya ang sarili kung bakit ito gagawin ng dalaga. Ilan segundo ang lumipas ng masapo ang sariling noo, kasalanan nga nya ang nangyari napagtanto niya. Kahapon bago sya pumasok ng opisina ay kinausap sya ng dalaga na kailangan na nila mag stock sa pantry, nangako sya na ngayon sya mag grocery ngunit hindi nya inakala na mapapagod sya sa trabaho kaya mas pinaboran nya ang pagtulog.


"Nag grocery si Cinnamon mag isa?" realization ni Soichiro
"Ah huh" nag nod si Fumiko na pinahiwatig na obvious naman ang sagot


"Hindi mo gets... Neechan... delikado na umalis sya mag isa"
"Eh kung bumangon ka sana ng maaga eh di sana hindi sya lumakad mag isa"



Ginabi sa meeting si Fumiko kaya nagdesisyon sya na makitulog muna sa bahay ng kapatid. Malayo ang bahay ng magulang nya at masama rin ang panahon kaya naisipan nya na agad pumunta sa bahay ni Soichiro, hindi nga lang nya inasahan na si Olivia ang bubungad sa kanya dahil hindi pa daw umuuwi ang kapatid nya na ginabi na sa trabaho. At noong magkita ang magkapatid sa bahay, nagkausap sila kung ano ang dahilan kung bakit nag stay dito ang dalaga; sa palagay nya ay special someone ni Soichiro. Syempre, nagpaalam muna ang binata kay Olivia bago ipaalam ang nangyayari. Kaya alam ni Fumiko kung bakit ganon na lang ang pag aalala ng younger brother nya.

Blind SpotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon