Tinawagan ni Seki si Kiyota kahit na dis oras ng gabi para ipaalam ang natanggap nyang balita. Pupungas pungas ang binata na hinablot agad ang phone na katabi ng unan, tinignan nya ang oras sa kanyang palagay ay limang minuto pa lang ang lumipas ng mag alas dos ng madaling araw. Hindi magkasama sa isang bahay ngayon ang magkasintahan, si Kiyota ay nasa magulang nya nakitulog samantala si Seki naman ay kasama ni Alisson sa bahay nila Maki at Hanagata. Nagkaroon ng sleepover ang magkababata na hindi naman tinutulan ng binata, ang tangi hindi kasama sa girls ay si Olivia. Ayon sa kwento ni Alisson ay pinagbawalan daw ni Soichiro ang dalaga na umalis na sinang ayunan ng magkababata. Pinaunawa nila kay Olivia na para sa safety rin nya ito at may susunod pa na pagkakataon na pwede sila mag 'sleepover'.
"....mmm"
"Sorry Baby... I know I interrupted your sleep"
"..nah.. It's okay baby, may problema ba.. Are you okay?"
(May ngiti si Seki kahit na hindi nakikita ni Kiyota, ramdam nya nag aalala ang binata sa kanya)
"I'm okay... how about you?"
"Okay na ako narinig ko na agad ang boses mo"
"Ay sus.. Ang aga nyo magharutan! Che!"May pagdilat ng mata si Kiyota "Si Alisson ba yon?" nag giggle si Seki bago sumagot ng 'oo' pinakinggan maigi ng binata ang kabilang linya doon nya napansin ang mga yabag ng paa. Nagkumento ang binata na ang aga naman nila gumising dalawa "Hayaan mo na si Lenlen... nang aasar lang yon...". Tinama ni Seki ang assessment ng nobyo, sinabi nya na hindi pa sila natutulog ni Alisson dahil napasarap ang kumustahan at kwentuhan nila. Tumawa naman si Kiyota at tinanong ang kasintahan kung ano ibabalita nito. Pinaalam ni Seki na tumawag ang tiyuhin nya at pinaalam na nanganak na si Yuika kaninang alas dose ng madaling araw. Tumayo naman ang binata mula sa pagkahigi sa kama, naisipan nya pumunta sa kusina para makapag kape dahil tuluyan na nagising ang diwa na "Congratulations kina Uncle..." may napagtanto naman sya sakto nang nasa ibabang baitang na siya ng hagdanan "....kung hindi ako nagkamali 7 months pa lang si Auntie Yuika ah!".
Ramdam ni Seki ang pag aalala ni Kiyota "Oo nga eh... pero luckily safe si Baby and si Auntie..." si Alisson na inabutan ng mainit na chocolate drink ang kababata ay nakisali sa usapan "Kiyota, sabi sa studies mas safe ang delivery ng 7 months baby compared sa 8 months". Sumang ayon naman ang binata naririnig rin nya ito na sabi sabi ng iba.
"Kailan mo gusto umuwi sa Nara, samahan kita Seki-chan..."
"Eh???..."Tumawa si Kiyota at ipinaliwanag na alam nya ang naglalaro sa isipan ng kasintahan na kinalaunan ay may pag hagikgik na rin "Thank you Kiyota-kun.." sinabi ni Seki na plano nya umuwi sa probinsya sa susunod na sabado, pinaalam din nya ang plano nya na mag paalam sa kanyang mga boss na mag leave sya ng 1 linggo para kahit papaano ay makamusta nya ang tiyahin at ang bagong pamangkin. Sumang ayon naman ang binata "Sige... update mo na lang ako Baby..., kaya pala gising pa kayo ni Alisson ng ganitong oras...". May pag hum si Seki bilang tugon "Matulog ka na pagka inom mo ng hot choco..."
"Ikaw, baby... hindi ka mag back to sleep?" takang tanong ni Seki
"Maya maya siguro... since gising na ako, I'll continue muna yung report na kailangan"Rinig ni Seki ang paghigop ni Kiyota ng kape, bigla humikab ang dalaga "Sleep na baby..." pag ulit ng binata "Hai... Baby... after ko maubos yung drink ko...". May pag grunt si Kiyota
"Good night Baby... I love you....""I love you too... Baby & sweet dream... chu!!"
May pag hagikgik ang dalaga bago pinindot ang 'end call'. Si Kiyota naman ay pinagmasdan ang lock screen ng laptop, larawan nila ito ni Seki na nakasuot ng traditional wear ng nagtungo sila sa Nara Park. Saglit sya nakaramdam ng kilig at kinalma ang sarili tinipa nya ang password at bumukas na ang laptop. Huminga sya ng malalim may resign breath sya ng bumungad ang unfinished report, pinokus nya ang sarili para matapos na ang pinaka ayaw nya gawin sa lahat ng trabaho ngunit wala syang choice kung ayaw nya makatanggap ng pangaral sa kanyang Mamita.
