Back to work na naman si Seki, 4:00 pm pa lamang ay ready na silang lahat para sa pagbubukas ng Bar. May 3 hours pa kami aantayin, "Hays nakakabagot... Kumusta na kaya si Kiyota? Naka isa yung mokong na yun sa akin" sabi ng dalaga sa kanyang isip , naaalala ni Seki ang nangyari sa kanila isang buwan na ang lumipas. After their make out session hindi na nagparamdam sa kanya ang binata, ilang internal battle na ang nangyari pero kahit anong gawin nya hindi nya maitanggi na may feelings pa nga sya para kay Kiyota, "Pa hard to get ka nga Seki di'ba"... "Pero I admit nakakamiss din pala si Kiyota, 5 years na hindi kami nagkita okay ako tapos ngayon na almost a month palang, hindi na ako okay. Hay buhay parang life". Ilan sa mga thoughts na naglalaro sa isip ng dalaga.
Gumawi ang tingin n'ya sa mga katrabaho, huminga ng malalim si Seki ng makita kung ano ginagawa ni Mai, Hideo at Olivia. Ang tatlo ay nakaupo sa may bintana may cushion sofa na space doon, si Hideo ay nakahiga ang ulo sa lap ni Mai at ang dalaga naman ay ni run ang hands sa buhok ng binata. Samantala si Olivia ay nasa dulo ng cushion at nakapatong ang mga binti sa table na inusog nya kanina. Pinagmasdan ni Seki sina Hideo at Mai hindi nya maiwasan na malungkot dahil ginagawa din nila ni Kiyota ito noong sila pa. Sa sobrang deep in thoughts ng dalaga, hindi nya pansin na pinag uusapan sya ng tatlo.
"Ney, may napansin ka ba kay Seki?" tanong ni Hideo may something na hindi s'ya ma pinpoint
"Oo Ney, sense ko nga din. Nag start ata yan nung hindi na pumunta si Nobunaga-san" comment ni Mai"On point kayo love birds, di'ba naichika ko sa inyo na nagstay si Kiyota-kun at Mr. Bucket sa amin noon. After nun may something eme na kaya siguro di nagpapakita si Baby ni Seki-chan" chika naman ni Olivia
Umayos naman ng upo si Hideo para makapag usap sila tatlo ng maayos
"Hindi kaya may ginawa si Kiyota para magtampo si Seki?" comment ni Mai
"Baka naman may ginawa si Seki para magtampo si Kiyota? Sumuko na ba?" nag aalala si Hideo
"Kuya Hideo naman, that's impossible. Baka naman nag give space muna sila with each other" mula naman kay Olivia"Bakit nasa outer space ba yung dalawa at kailangan magkalayo ng galaxy?" sumali si Chef Isao sa usapan
Nagulat naman sina Hideo, Mai at Olivia dahil katabi na pala nila si Chef Isao "Kanina pa po ba kayo Chef?", tanong ng tatlo. Nag smile naman si Isao "Oo, mukha nagka kasayahan kayo ah, kaya sumali ako". Napakamot ulo si Hideo, nag giggle naman si Mai at Olivia, "Pero tama observation n'yo tatlo kahit kami nila Ms. Airi napapansin na wala sa sarili si Seki" comment ni Isao. Apat na ngayon ang nag oobserve kay Seki at nakita nila na nakapalumbaba ito at tinatap ang table gamit ang mga daliri ng kanang kamay. Nagpatuloy sa chikahan ang apat....
KNOCK KNOCKNapalingon si Seki sa pinto "Si Kiyota kaya ang pumunta ngayon?" tanong nya sa sarili. Bumungad ang manager nila si Daichi at may kasama ito na delivery guy, "May delivery daw.." panimula ni Daichi. Iniisip naman ni Seki na para sa kanya iyon at ipinadala ni Kiyota, umarte ang dalaga na normal lang. "Manong kanino po iyan?" tanong ni Daichi. Nagsalita naman si Delivery guy, "Sir, shopee po ito kay Ms. Olivia Ysobel". Tumili naman si Olivia, "Kyaah... Another parcel. Bongga", lumapit ang dalaga sa may dala ng kanyang order. Nag sweatdrop naman si Hideo at Isao dahil may order na naman ang bago nila waitress. "Ay Manong, keep the change na. Maliit na bagay. Haha. Teka, Manong taga dito din po yung dalawa na ideliver nyo" comment ni Olivia. "Salamat Ma'am. Sino po ba dito, first day ko pa lang po sa pagiging delivery rider" pasasalamat at pag amin ng lalake. Nag nod naman si Olivia, "Chef Isao at Si Ma'am Airi po may order" binasa ng dalaga ang pangalan ng 2 package.
Tinawag ni Mai si Airi para sa order nito, "Hi Darling, paki bayaran mo na ang parcel ko. Haha" sabi ni Airi sa kanyang mister na si Daichi. Wala naman nagawa si manager at binayaran ang order ng asawa. Nag snicker naman si Hideo "Chef, akala ko ba hindi kayo mauuto nyang mga shopee na yan". Tumawa naman si Isao "Nakaka addict pala yan, tsaka para sa anak ko naman". Nag slump naman ang shoulders ni Seki dahil hindi pala para sa kanya ang dumating. Nakita naman ni Airi at Mai ito. Bago umalis ang delivery guy ay pinicturan nya ang tatlo. Todo pose naman si Olivia at maski si Chef Isao at Airi ay game din. Tinawag ni Daichi ang boys "Chef Isao, Hideo sumama muna kayo sa akin sa backroom". Sumunod naman ang dalawa sa kanilang manager. Naiwan naman sina Airi, Mai, Olivia at Seki.
"Ate Mai, ito yung pina order mo sa akin. Alam ko naman kung bakit" sabi ni Olivia
"Thanks sistar, magagalit na si Ney, 2 parcels a month lang limit ko" pag amin ni Mai
"Oh my. Magkasabwat kayo. Haha. Gawin ko kaya yan minsan" comment ni Airi
"Sure Ma'am. Palagay nyo sa name ni Oli" suggestion ni Mai
Gumawi ang tingin ng tatlo kay Seki, tinabihan nila ang dalaga sa table kung nasaan ito.
"Seki-chan, alam namin may problema huwag mo na ideny" sabi ni Mai
"Oo nga beb, may nangyari ba na hindi okay between you and Kiyota-kun?" tanong ni Olivia"Seki-chan, anak na turing ko sa iyo kaya if may gumugulo sa isip mo tell me, tell it to us" pag comfort ni Airi
Tumingin naman si Seki sa tatlo, alam naman nya na good intention naman ang pag comfront sa kanya. Kahit ang kaibigan nya na si Olivia ay hindi sya tinatanong kung ano ba nangyari sa kanila ni Kiyota, nirespect nito ang privacy nya. "Okay naman kami. Hindi ko lang alam bakit umiwas si Kiyota... Baka po nagbago na isip nya" pag amin ni Seki. "Don't think like that Seki" pangaral ni Airi, "Baka busy lang sya sa work" dagdag pa nito. Nag agree naman sina Mai at Olivia, "Oo nga Seki di'ba naikwento mo sa amin na may project kayo gagawin ni Kiyota sa province nyo, kaya siguro sya busy nag peprepare ng needs nyo" comment ni Mai. Tahimik lang si Olivia, niyakap lang nya ang kaibigan bilang suporta.
.....
8:45 pm na ngunit nasa opisina pa din si Kiyota, ngayon lang natapos ang meeting nya na nagsimula ng alas dos ng hapon. Nasa kanyang private office na ang binata, niluwagan nya ang suot na necktie at inalis ang coat na suot. Pinatay nya ang kanyang computer at nilock ang office bago umalis. Nakasalubong nya na papunta din sa elevator si Jin. Silang dalawa na lamang ang naiwan sa company maliban sa mga guards at general service.
"Nakaka drain ng energy ang meeting kanina" pag reklamo ni Kiyota sa kaibigan
"Sasabihin ko sana na masasanay din tayo pero hindi pala, mas lumalala habang tumatagal" comment ni Jin
"Nasaan na sina Unggoy" tanong ni Kiyota
"Umuwi na agad sila" sagot ni JinNakababa na sa basement ang dalawa at nagpunta sa nakapark nilang mga sasakyan, magkatabi din ang parking space nina Jin at Kiyota. Pasakay na ng sasakyan si Jin ng magsalita si Kiyota "Jin, ano.. Pwede ba...". Hindi na pinatapos ni Jin ang kaibigan, "Wala problema Kiyota, alam ko na sasabihin mo, to be honest handa na lahat, inaantay ko lang go signal mo". Lumapit naman si Kiyota sa kaibigan at inakbayan "Salamat Pre. Galing mo talaga. Kaya bestfriend kita Haha". Inalis naman agad ni Jin ang kamay ni Kiyota na naka akbay sa kanya "Kiyota, huwag mo ako akbayan, baka isipin bakla ako Haha". Natawa naman ang binata sa comment ng kaibigan "Oo na. Sorry excited lang ako" pag amin ni Kiyota. "Mag maneho ka na, next time na tayo mag car racing" kantsaw ni Jin. Nag share ng laugh ang dalawa bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan.
